Naligaw. Nadaya. Nalugi.

Ngayon lang ulit ako nadalaw dito. Dati, makikita ko agad kung ano mga nangyayari sa blog ko pag log in ko. Ngayon, hindi. Naligaw na ako. Nagbago na lahat. Hindi ako sanay. Mas gusto ko pa yung luma. Pero walang magagawa. Lahat nagbabago na.

Maiba ako. Kamusta mga bata? Kahit madalas na mga matatanda kayo, bata na din tawag ko sa inyo para masaya. Ayos ba? Kahit hindi, wala ka magagawa. Dun nga pala sa painting ko, nakakuha ako ng 92. Mataas na ba sa tingin nyo? Hindi. Hinding hindi. Ako pinaka mababa ang grade samin. Sa barkada namin, kung hindi 94 ang grade, 95. Basta ako pinaka mababa. Nakita nyo naman painting ko diba? Buong canvas nagamit ko. Pero yung kamukha ko na grade, painting lang nya dalawang birdie na magkatabi sa right side. Inuulit ko, sa right side lang. Walang background, walang kulay. Birdie lang sa right side!

Pinagagawa kami ng prof namin dun ng reaction paper about sa painting. Hindi na ako gumawa. Baka kung ano lang masabi ko. Gumastos ako ng 500+ para sa pambili ng mga gamit tapos ganun lang? Hindi ako galit. Nakangiti nga ako oh. Pero joke lang yun! Hindi makatarungan yun. Pero alam ko naman na pangit talaga painting ko kaya okay lang. Teka. Parang ang gulo na ng mga sinasabi ko. Okay na yun. Babalitaan ko na lang kayo sa ibang badtrip na subject ko. Next time ulit mga bata :]

College Days (Humanities)

apos na ang Midterm week. Pero meron pa ding mga subject na hindi namin natetake ang exam. Katatapos lang din ng intrams kaya pwede na mag tamad tamaran. Pero hindi pwede.

Ako ay isang 3rd year Computer Technology student pero kelangan ko magpaint para sa Midterm? Hindi ko malaman kung ano kinalaman nun sa course ko. Pero sabi ng prof namin dun, sobrang lapit daw. Hindi ko talaga maintindihan. Wala pa man din akong art sa pagkatao ko. Pinakaayaw ko ang magdrawing pero hindi lang drawing pinapagawa. PAINTING! PAINTING BRAD!

Ako ang pinakamagulo magdrawing sa mga kaklase ko. Ako na! Kaya ayoko ipakita mga obra ko sa kanila. May subject akong ginagaya pero sa kanila abstract pa din ang dating. Katulad nung unang water color assignment namin. Color wheel. Pati mama ko sinasabing mas maganda pa daw magkulay grade 1 kesa sa gawa ko. Hindi ako nakapagsalita. Nasaktan ako. Yung next, water color activity. Paru-paro na lang nga yung subject ko, hindi ko pa din nagaya ng maayos. Nagmukang eroplanong kulay violet ang paru-paro ko.

Seryoso ako pag gumagawa ako ng kung ano pinapagawa samin dun. Pero wala pa din. Pangit pa din talaga. Wala na pagasa. Wala na. Pero hindi naman ako babagsak dun basta may naipapasa akong mga kelangan namin. Kahit 50 lang makuha ko sa 100 na lahat ng kelangan namin dun, pasado na siguro yun sana.

Eto ang kinalabasan ng midterm oil paint ko.