Girls vs. ME

Madami talaga pagkakaiba ang mga babae sa lalaki. Yung ibang lalaki, parehas na sa mga babae. Alam nyo naman na siguro kung ano ibig sabihin ko. Pero ako, wala naman yata akong parehas na ugali sa kanila. Isa isahin natin ang mga pagkakaiba. Eto na naman 'tong isa isa na 'to. Senya na. Wala lang talaga magawa.

1. Taking a bath.
Hindi ko maintindihan kung bakit antagal tagal maligo ng mga babae. Parehas lang naman siguro ng paliligo ang babae sa mga lalaki diba? Oo sige sabihin na natin na mahaba buhok nila. Hindi ka naman siguro tatagal ng kalahating oras para lang dun sa buhok na yun. Yung mga babaeng kilala ko, isang oras maligo. Ako nga 15mins lang tapos na e'. Tapos 5mins dun, nauubos lang sa pagtae ko. Lalo kung umaga bago pumasok. Kelangan mailabas talaga. Kesa sa school pa abutan.

2. Choosing what to wear.
Hindi naman magseselos yung mga damit pag hindi sila napili mo sa araw na yun. Sabihin na natin madami damit mo. Syempre mahirap talaga mamili pag ganun. Pero diba dapat may schedule sila kung kelang isusuot? Halimbawa na lang pag magsisimba. Madami pa din akong nakikitang nakamini skirt pag nagsisimba. Nung last time nga sya pala magaalay tapos naka short shorts. Sa dinami dami ng pagpipilian mo, sa tagal tagal mo mamili kung ano susuot mo, bakit yun pag nagustuhan mo sa araw na yun? Part ko naman. Kung ano madampot kong damit, yun na yun, Minsan papatungan ko na lang ng longsleeve para maiba naman ang itsura. Pero hindi ako maselan sa kung ano isusuot. Bibilhin ko ba yung damit na yun kung hindi ko gusto. Madalas din ako magsimba kahit walang ligo. Oo. Walang ligo. Hindi naman na ako tatanungin kung naligo ako bago pumasok dun. Pero hindi ako nakikisiksik sa mga tao. Syempre nahihiya din ako. Madalas sa labas na lang ako.

3. Profile picture
Tuwing may occasion, kelangan may picture sila pampalit sa current profile picture nila. Yung mga lalaki nga isang buwan bago magpalit. Minsan pabalik balik lang.

4. Lovelife.
Lagi na lang sinasabi na pare pareho mga lalaki. Tangna wala naman kami sinabi na try mo lahat. Tsaka hindi mo pa ako nagiging boyfriend kaya wag mo pare pareho lang. Tapos sila, pwede madami manliligaw para daw makapili ng deserving. Kami pag madami nililigawan, playboy agad? Di ba pwede manliligaw kami ng madami para din makapili ng deserving? Ampeyr!

5. Koreanovela
Tangnang mga koreanovela yan. Wala na ako makausap pag oras na ng mga koreanovela. Napakaseryoso na nila. Naiiyak pa nga din. Alam naman na scripted na e' gustong gusto nila panuorin. Pero pag ako nanonood ng wrestling nagagalit sila. Parehas naman artehan lang yun. Parehas scripted. Pero lugi sa tv pag koreanovela kalaban.

Meron pa naman sigurong babae na hindi ganyan. Yung ni isang dahilan dyan e' wala sya. Kelan ko naman kaya makikita yun? Baka ma-"Atleast I tried" na naman ako. Pero yun nga, atleast I tried. Wala naman mangyayari kung hindi susubukan. Pero matagal tagal pa siguro yun. Hihintayin ko na lang sya. Pano? Tatanga lang ako dito sa harap ng laptop habang nagyoyosi? Syempre hindi. Di ko alam kung pano. Pero alam ko na dadating din yun. TIWALA LANG! :)

1 Response to Girls vs. ME

  1. Unknown says:

    Sabi sayo babalik ako dito eh. HAHAHAHAHA. =))) Koreanovela is <3

Post a Comment