Anonas! pt.1

Alam kong dito lang sasaya sembreak ko. Hindi naman ako nabigo dun sa pananaw ko na yun.

Sabado. October 27, 2012
Galing Caloocan, nagpunta pa ng Bulacan para lang maghatid ng mga cabinet at kung ano ano pang de kahoy na gamit. Pero syempre balik Caloocan din agad after na maibaba lahat ng gamit. Wala kasing internet dun sa bahay. Sa internet na nga lang kami nagkakausap ni Crush tas mawawala pa. Kahit mapagalitan ako kung bakit bumalik pa ako, ayos lang. And then a wild text appear.

Galing sa pinsan ko. Fresh from Alfonso, Cavite. Uuwi na daw sya ng Bulacan para magkita kita na. E' pupunta nga ako ulit Caloocan nun. Naguguluhan na ako. Puro lugar na lang sinasabi ko haha! Para madali, pupunta kami Anonas.

Sa Anonas nakatira ang magkapatid na Anne at Oanne na adik sa J. Brothers. Nilagyan lang ng O para hindi magkapangalan. Silang dalawa lang dun. Tsaka pala ang BOYFRIEND ni ate Oanne. Tsaka ang anak nilang si Abi (daw.)

Sa tinagal tagal kong pumupunta sa Anonas, hindi pa din ako nakakababa sa tamang babaan. Lagi ako naliligaw. Pinakamalapit ko na na binabaan sa GMA. Pero malayo layo pa yun sa sakayan ng jeep. Ang pinakamalayo naman, sa  Centris Station. Anaknam! Malakas pa ulan nun. Bagyong bagyo. Dumaan lang kasi sa ilalim yung bus, baba naman agad ako. Akala ko kasi basta sa ilalim nagdaan yung bus, Kamuning agad. E' malay ko ba kasi. Wala na natirang tuyo sakin nung lakad ko na yun. Hindi na ako sumakay ulit. Pano nakatawid na ako. Lampas tuhod na baha ang sinuong ko para lang makapunta sa kanila. Pero matagal na yun.

This time, tama na ang lahat. Pero dahil tinatamad ako at madaming nangyari samin, next time na yung iba. Takits ulit mga bata :]

Kronikels Op Tanya (Birthday)

Sobrang busy talaga sa school. Lalo na kung kelangan mo talaga mapanatili yung grades mo kasi scholar ka. Buti na lang hindi ako scholar kaya okay lang kahit mababa grades ko. Hindi naman tinitignan ng mga parents ko mga grade ko e'.

Watda?! Malapit na nga pala debut ko. Ay este, malapit na pala birthday ko. 18 na ako 'teh. Sa kasamaang palad, November 1 birthday ko. Hindi naman sa sinasabi kong masama kasi natapat sa araw ng mga patay. Pero pwede na din. Naasar lang naman ako kasi hindi nila maaalala na birthday ko. Maaalala nila, yun na nga. Araw ng mga patay. Kung maalala man nila na birthday ko, wala silang pakiealam kasi dadalaw sila sa sementeryo. At pati ako.

Taon taon na lang ako nagse-celebrate ng birthday ko sa sementeryo. Pero okay lang kasi madaming mga boooooys! Ay kaloka. Eto na naman ako. Kinikilig na naman ako pag boys na usapan. Pero syempre hindi ko pagpapalit si papa Junjun ko.

"Pare! Wala ka ba pupuntahan ngayon? Samahan mo naman ako sa puntod ng lolo ko."

Nagtext si Junjun. AAAAYYY! Kagulat ka papa. Hindi ko alam gagawin ko. Pero syempre pumayag ako. Ang problema naman ngayon, hindi ko alam isusuot ko. Dress? Spaghetti? Short shorts? Natataranta na ako 'teh. Naalala ko na lang bigla na hindi pa nga pala nya alam na bading ako. Kelangan ko magpakalalaki kahit hirap na hirap na ako itago.

Bigla ko na lang naisip na aminin ko na kaya sa kanya? Ay wag. Sa sementeryo kami pupunta. Baka ibaon na lang nya ako bigla dun. Hindi magandang place yun para sa pag-amin. Tsaka na pag dalaga na talaga ako.

Class cards!

Tapos na ang first sem. As always, kuhanan na naman ng class cards. Alam nyo naman siguro kung ano yun. Para sa mga hindi nakakaalam, bahala na kayo. Basta magkukwento ako.

Taon taon na lang ganito. Para kaming nakikipaglaro sa mga prof namin. Hahanapin kung saan saan. Magsasabi sila ng oras at araw kung kelan namin pwedeng kunin yung grades namin sa kanila pero madalas wala on time talaga. Minsan nga late maaga pa sila e'.

Pahirap lang talaga ung mga subject na paimportante pa. Alam ko naman na pasado ako dun ayaw pa ibigay. Wala naman na din sila problema sa akin. Malamang ako may problema sa kanila. Pero kahit na.

Makukuha ko din lahat ng class cards ko na walang bagsak at walang incomplete. Kahit 3.0 pwede na wag lang 5.0. Ayun! Sa kabutihang palad, wala pa naman nakukuhang 5.0 o 3.0. Pero meron nang 2.75. Muntik na! Pero okay na yun. Wala naman na ako magagawa kahit ipaglaban ko yun. Alam ko naman kahinaan ko.

Buti na lang wala na math hanggang makagraduate haha!

Bored lang talaga tae. Sembreak -___-"

Sembreak!

Madami may gusto ng sembreak. Pero ako, ayoko talaga. Kahit kelan. Hindi naman sa sinasabi kong gusto laging pumasok. Pero ayoko lang talaga ng sembreak. Himay himayin natin kung bakit.

Una, walang pera. Walang pasok, syempre walang baon. Pag wala ka naipon galing sa mga baon nung may pasok pa, patay kang bata ka. Pulubi ka sa buong bakasyon. Mamalimos ka na lang sa sementeryo sa undas. Ipunin mo mga luha ng kandila tapos tsaka mo ipakilo. Limang piso isang kilo nun. Sayang din yun.

Pangalawa, boring. Walang mapaglibangan. Lalo kung walang net. Sa eskwelahan, may makakakwentuhan ka pa. Pero pag walang pasok, madalang lang ang makakausap. Depende din kung forever alone ka talaga.

Pangatlo, lagi kang mauutusan. Hindi ako tamad. Pero.... Oo na sige na tamad na ako. Tama na 'tong katamaran. Baka mahalata pa lalo.

Yan na. Wala na ako maisip na dahilan kung bakit ayaw ko ng sembreak. Pero matitinding dahilan na yan para ayawan ang sembreak. Kung kelan ayoko ng sembreak tsaka sya humahaba. Nung highschool inip na inip ako sa sembreak pero isang linggo lang naman. Ngayong college, tatlong linggo halos. Pero ayoko na.

Isa lang gusto ko sa sembreak. REUNION! Uuwi na naman mga panget kong pinsan galing sa kung saan mang bundok o kweba sila nanggaling. Syempre, mahaba habang kwentuhan na naman mangyayari nun. Hindi din pwedeng kwento lang. Nakakuhaw kaya magkwento. Kanya kanyang labasan na naman ng mga bagong brand ng alak ang mangyayari.

UWI NA MGA BRAD!

Fieldtrip

700php. Sulit? Hindi sulit?  Hindi ko masasabi agad. Kasi may mga oras na iniisip kong hindi. Tapos may oras din na iniisip kong sulit.

First destination, AMA Computer College. Wala ako masabi. Basta nakakita kami ng mga robot, isang room na puro Mac PC's, tsaka walong estudyante nila. Wala gaanong estudyante. Ewan ko kung bakit. Tsaka wala na ako balak alamin pa. In short, boring. No offense sa mga estudyante ng AMA. Bored lang talaga ako pag mga exhibits ang pinupuntahan.

Second destination, Enchanted Kingdom. Again. Kahit madaming beses na ako napunta dun, hindi pa din ako nagsasawa. Kasi iba't ibang tao naman kasama ko pag napupunta ako dun. Ibang experience ang nabibigay nila.

Unang sinakyan namin, Flying Fiesta. Hindi masyadong boring, hindi din masyadong exciting. Pero yung kaklase ko na itago na lang natin sa pangalang MARC JOSEPH SORIANO (hindi ko na itatag ang FACEBOOK nya para hindi makilala), hindi namin makausap pagkatapos. Hindi ko lang alam kung bakit. Kahit nung nasa taas kami, seryoso sya. Parang nagpipigil ng tae na hindi mo malaman. Next, Rialto. Katulad ni Mr. Bean, hindi ko din masyadong ramdam pag ganun lang kabagal. Pero okay na din. Kawawa naman si Ka Marc Joseph Soriano. Baka magsuka bigla kahit ganun lang.

MARC JOSEPH SORIANO! IKAW ANG BIDA NGAYON!

Next, Anchor's Away. Eto na may excitement na. Mga kasama ko mga takot na takot. Pero nawala na yun nung may chx kaming kasabay. Syempre, kunwari matapang talaga sila.

Hindi na sya sumakay sa Space Shuttle tsaka sa EK Ekstreme si MARC JOSEPH SORIANO. Nahatak ng kuya nya na hindi ko na papangalanan na NESTHY "ESTONG" ESPIRITU. Ewan ko ba kung bakit ayaw. Hind yata nakapagbaon ng balls. Pero sabi nya, nakasakay na daw sya dun nung kabataan nya. Ewan ko lang kung bakit ayaw umulit.

At ang kamalas malasang birthday boy na si JERWIN PAOLO "EWONG" BAUTISTA. Papasakay kami ng Roller Skater, wala pala sya partner. 9 lang kami. Bakit ba hindi agad naisip na kumuha agad ng partner sa pila pa lang. Ayun. Nag-abang sa exit. Birthday mo naman e'.

Pero mas masaya talaga kung kasama sya.

Hindi ko na iisaisahin mga nasakyan namin. Pero pinagusto ko, yung sa Space Shuttle tsaka sa EK Ekstreme. Dahil nga hindi ko nga nagawang maging isang astronaut, naramdaman ko dun ang excitement na para akong lumilipad. Sa EK Ekstreme, gravity na lang talaga ang humihila sayo pababa kasi hindi ka na halos nakaupo sa upuan mo. Sa Space Shuttle naman, yung acceleration and speed ng isang spaceship ang pakiramdam. Ewan ko kung ganun nga talaga pakiramdam ng natake-off na spaceship. Pero gusto ko talaga maramdaman yung ganun.

Lahat ng extreme activities gusto ko maexperience. As in LAHAT!

Is that RIGHT?


It’s hard to talk to a girl that is VERY friendly. A girl that is known by all of the students in your college. She will never be alone because of her friends. But sometimes, she chooses to be one. I’ve tried so many ways to speak with her, just the two of us, but most of the times, I failed. Why? Simply because of her friends. I’m not saying it’s wrong to have so many friends. I’m just saying that it’s hard to talk to her.

One time, I ask her to go to school early so that we TWO can talk. But, something is wrong. She is with her friend. They are laughing but I don’t know why. They are gossiping but I don’t know who that person is. I’m completely out of place. Sometimes, she speaks to me. But it is just SOMETIMES. I want her whole time to speak to me because I am the one who ask her to come early to school so WE can talk.

She is a very good example of a TRUE FRIEND. She will never leave her friend just because the other one is courting her. She will do what she think is right. Sometimes, even if it is wrong, she will do everything for someone who thinks that it is right.

Obsession? Yes obsession. I think I’m obsessed. But what’s wrong with that? I’m courting her. Therefore, I should be obsessed. No one is penalized by being obsessed with someone. I think I’m not harassing her emotionally. So there’s no reason to stop what I am doing. She usually accepts my proposals to go where I want. But I will not bring her to the place where she doesn't want to go. I will not bring her to any harmful traipse.

Enough. I’m just a teenager who is inlove. Inlove? Yes. Absolutely inlove.

Signayan!


Ano balita? Tagal ko nawala no. May nakamiss ba? Syempre wala. Ako lang naman basahero dito. Kung hindi ko pa ipost sa facebook ko yung link ng blog ko na ‘to, wala pa makakaalam. Wala talaga akong masugid na taga-basa. Dati meron. YATA! Ngayon wala na. YATA! Medyo busy din kasi sa lovelife studies. 3rd year pa lang ako pero may thesis na. Tapos sa minor subject pa. Hindi ko alam kung para saan yun. Wala naman silbi. Pero ayos na din yun. Warm-up para sa thesis next year.
ANYWAYS!
Hindi tungkol dun ang kwento ko ngayon. Ito ay tungkol sa math teacher namin. Matumal lang pumasok. Nagpapamiss yata. Asa naman na mamiss namin sya. Mga classmates ko, oo. Ako hindi. JOKE! Pero hindi talaga. Babae siya. Hindi sya katulad nung ibang prof namin na nagpapanggap lang. Hindi nagpapanggap sa ugali nya. Nagpapanggap bilang babae. Totoong babae sya. Pero wala akong sinasabing may prof kaming bading ah. Baka sabihin nyo ako na naman may kasalanan.
First impression ko sa kanya, wala. Absent ako nung first day e’. Pero sa mga kwento nila, maganda daw. Mabait, maputi, at lahat daw ng hinahanap mo sa babae nasa kanya na. Pero hindi ko sa kanya nakita yun. Nakita ko yun sa kaklase ko. SEGWAY! Oo nga maganda si ma’am. Pero hindi ka makakapasa kung maganda sya. Kelangan mo talaga mag-aral para makapasa. 50% lang kelangan na grade mo, 3.0 ka na. Sigurado, pasado na ako dito. Pasado nga, wala naman natutunan. Sayang tuition.
Nung unang mga weeks, wala naman sya absent. Pero nung kalaunan, wala na. Nawawala na sya. Hindi nagtetext kung walang pasok. Basta hindi na lang papasok. May time pa nga na pinapasok kami kasi daw may announcement sya. Iaannounce lang pala nya na wala kaming pasok nung araw na yun. Galing diba? San ka makakakita ng prof ganun? Wala. Dito lang.
Isang araw, nagkasundo kami ng mga classmates kong pogi. JOKE LANG! Nagkasundo kaming wag na pumasok. Kasi hindi naman papasok si ma’am. Pero nung araw pala na yun, bigla syang pumasok. ANAK NG TIMING NAMAN! Bakit noon pa sya pumasok kung kelan absent kami. Tapos neto lang last Friday. September 28. Absent daw kami ng absent kaya hindi namin alam yung tinuturo nya. WOW! Makapagsalita. Baka mahiya yung attendance ko sa attendance nya. Nun lang naman sya pumasok after 1month. Pero hindi talaga 1month. 3weeks siguro. Basta matagal na.
Bahala sya. Buti na lang maganda sya. Pero mas maganda nanay ko. JOOOOOOOKE!

Naligaw. Nadaya. Nalugi.

Ngayon lang ulit ako nadalaw dito. Dati, makikita ko agad kung ano mga nangyayari sa blog ko pag log in ko. Ngayon, hindi. Naligaw na ako. Nagbago na lahat. Hindi ako sanay. Mas gusto ko pa yung luma. Pero walang magagawa. Lahat nagbabago na.

Maiba ako. Kamusta mga bata? Kahit madalas na mga matatanda kayo, bata na din tawag ko sa inyo para masaya. Ayos ba? Kahit hindi, wala ka magagawa. Dun nga pala sa painting ko, nakakuha ako ng 92. Mataas na ba sa tingin nyo? Hindi. Hinding hindi. Ako pinaka mababa ang grade samin. Sa barkada namin, kung hindi 94 ang grade, 95. Basta ako pinaka mababa. Nakita nyo naman painting ko diba? Buong canvas nagamit ko. Pero yung kamukha ko na grade, painting lang nya dalawang birdie na magkatabi sa right side. Inuulit ko, sa right side lang. Walang background, walang kulay. Birdie lang sa right side!

Pinagagawa kami ng prof namin dun ng reaction paper about sa painting. Hindi na ako gumawa. Baka kung ano lang masabi ko. Gumastos ako ng 500+ para sa pambili ng mga gamit tapos ganun lang? Hindi ako galit. Nakangiti nga ako oh. Pero joke lang yun! Hindi makatarungan yun. Pero alam ko naman na pangit talaga painting ko kaya okay lang. Teka. Parang ang gulo na ng mga sinasabi ko. Okay na yun. Babalitaan ko na lang kayo sa ibang badtrip na subject ko. Next time ulit mga bata :]

College Days (Humanities)

apos na ang Midterm week. Pero meron pa ding mga subject na hindi namin natetake ang exam. Katatapos lang din ng intrams kaya pwede na mag tamad tamaran. Pero hindi pwede.

Ako ay isang 3rd year Computer Technology student pero kelangan ko magpaint para sa Midterm? Hindi ko malaman kung ano kinalaman nun sa course ko. Pero sabi ng prof namin dun, sobrang lapit daw. Hindi ko talaga maintindihan. Wala pa man din akong art sa pagkatao ko. Pinakaayaw ko ang magdrawing pero hindi lang drawing pinapagawa. PAINTING! PAINTING BRAD!

Ako ang pinakamagulo magdrawing sa mga kaklase ko. Ako na! Kaya ayoko ipakita mga obra ko sa kanila. May subject akong ginagaya pero sa kanila abstract pa din ang dating. Katulad nung unang water color assignment namin. Color wheel. Pati mama ko sinasabing mas maganda pa daw magkulay grade 1 kesa sa gawa ko. Hindi ako nakapagsalita. Nasaktan ako. Yung next, water color activity. Paru-paro na lang nga yung subject ko, hindi ko pa din nagaya ng maayos. Nagmukang eroplanong kulay violet ang paru-paro ko.

Seryoso ako pag gumagawa ako ng kung ano pinapagawa samin dun. Pero wala pa din. Pangit pa din talaga. Wala na pagasa. Wala na. Pero hindi naman ako babagsak dun basta may naipapasa akong mga kelangan namin. Kahit 50 lang makuha ko sa 100 na lahat ng kelangan namin dun, pasado na siguro yun sana.

Eto ang kinalabasan ng midterm oil paint ko.


College Days (Intramuralssssss)

Walang pasok, walang pera. Hiram pagpilian. Pero hindi lang ako ang ganyan. Lalo pag intrams. Nakakatamad talaga pumasok. Pwera na lang kung player ka o may chx ka na dadalawin sa school. E' ako wala kaya nagpapabulok na naman ako dito sa bahay. Wala na naman magawa. Pero pag inutusan ako para may gawin, hindi ko naman ginagawa. Labo ah.

Papapasukin ka ng mga prof para pumirma sa attendance. Yun lang ang kapalit ng 80php na pamasahe ko. Kelangan pa gumising ng maaga para dun. Pero nung may pasok naman, sila naman ang wala. Sabi nga ng mga classmate ko, "Hindi ka makakakuha ng 5.0 sa isang absent lang." What an inspiring quote. Pero totoo naman. Walang mawawala. Hindi ka mahuhuli sa lecture dahil lang hindi ka nakapirma sa attendance.

Tae katagal magdownload ng Visual Basic amp. ANYWAY!

Balik sa intrams. Makakakita lang ako ng mga tukso pag pumasok ako. Mga babaeng pang-gabi ang suot kahit umaga pa lang. Mga babaeng nagsusuot pa ng shorts pero hindi naman na nakikita sa sobrang igsi. Mga babaeng nagsusuot ng hyper-ultra-super-mega Vcut na shirt tapos magagalit sa mga lalaki pag nababastos daw sila. Ade sana hindi ka nagsuot ng ganun para hindi ka mapansin.

Bakit walang lalaki dun sa mga napapansin ko? M2M? Eeeeew!

Walang ngang pasok, napakadami naman gagawin. Assignment sa Visual Basic. Hanggang ngayon wala pa akong VisualBasic. Painting sa Humanities. Hanggang ngayong may plastic pa yung canvas ko. Wala pa din akong oil paint amp.

Foundation day lang talaga hinihintay ko sa lahat ng okasyon sa university namin.

CrushCrushCrush

Nung unang panahon, panahon ng pagkakakilala, may isang text message na nahirapan akong sagutin.

"Sino ba crush mo?"

Sasabihin ko ba ang totoo para magkaalaman na. O magsisinungaling ako para hindi mapahiya? Wala na ko nagawa kundi umamin na lang. Mapahiya man o kung ano man, maganda na yung alam na nya. Ang naireply ko na lang ay, "Ikaw :]" Kelangan may smiley para kung mapahiya man, sabihin ko na lang na joke yun. Ibinalik ko sa kanya ang tanong nya. Ang sabi nya, AKO din DAW crush nya. Hindi na ako nagulat kasi alam kong pogi ako. Pero syempre joke lang yun.

Madaming rason ang pumasok sakin kung bakit ganun ang sinabi nya. Okay. Himay-himayin natin.

1. Para hindi ako mapahiya.
- Para lang hindi ako madismaya na hindi naman ako ang crush nya. Pampalubag loob kumbaga.

2. May masabi lang.
- Baka wala naman talaga sya maisagot. Ako ang nagtanong kaya ako na lang din ang isinagot. Wala lang maisip na ibang pangalan.

3. Paulit ulit lang.
- Dahil paulit ulit na pangalan ko ang nababasa nya sa inbox, yun na lang ang nasabi nya.

4. Yun talaga ang totoo.
- Eto ang gusto ko!

Nawalan na naman ng meaning ang CRUSH sakin. Paulit ulit ko nababasa amp.

Dahil mabait ako sayo...

Ang mga susunod na iyong mababasa ay Rated SPG. Ito ay maaring maglaman ng iba’t ibang klaseng panglalait sa isang panget na taong blah blah blah.

Sa una, ayos ka pa naman. Ayos ka pa naman sa una. Sa una, sa una, sa una. SA UNA!

Hanggang umpisa ka lang. Hanggang intro ka lang. Ano? Yun lang ba ang iyong alam? Wag ka magalala hindi kita ramdam. Kahit pakielaman kita, walang mangyayari. Dahil ganyan ka na talaga pare. Siguro hindi kita dapat tinawag na pare kasi hindi naman talaga. Wala akong pare na mukhang tanga. Hindi ko sinasabi na mukhang tanga ka. Ayoko na ako magsabi nun, bahala na sila.

Wala akong pakielam sa nararamdaman mo. Hindi ko lang napigil sarili ko kaya nasabi ko yun sayo. Hindi lang ako ang naiirita sayo. Madami kami. Gusto mo pagtanong mo. Ang problema lang, masyado kang pikon. Ang pagkatanga kasi hindi iniipon. Galit na galit ka agad hindi ka na mabiro. May problema ka ba sakin ha unggo? Hindi ka namin ginagaya dahil sikat ka. Ginagaya ka namin para hindi lang ikaw ang magmukhang tanga.

Balita ko pa nga balak mo akong suntukin. Bakit hindi mo nagawa? Takot ka ba sakin? Malamang hindi kasi alam mong lugi ako. May masisira pa sa mukha ko. Pano na yung sayo? Dapat sinabi mo sakin. Pagbibigyan naman kita e’. Kaso lang ayoko talaga lumapit sa mukhang tae. Nilalapitan naman kita kaya hindi ka ganun. Alam mo namang mapagbiro ako kaya joke lang yun.

Okay ititigil ko na ang pagsasabi ng tanga. Dahil hindi ka naman talaga tanga. Oh wag ka maniwala, dahil ako’y palabiro lang talaga. Hindi ako ang may problema sayo. Baka ikaw ang may problema sa akin pare ko. Wag mong seryosohin mga pinagsasabi ko. Kasi alam kong hindi mo naman talaga naiintindihan lahat ng ‘to. Gusto mo i-google translate mo pa. Kaso paalala ko lang, walang filipino to bisaya ah.

Tatapusin ko na ang mga gusto kong sabihin sayo. Wala naman talagang kwenta ‘to. Parang ikaw. Hindi parang ikaw na walang kwenta. Parang ikaw na gusto kong tapusin na!

Kronikels Op Tanya (Basketball)

Matagal tagal din bago ako nakapagkwento. Busy kasi sa pagaaral e’. Lalo na at may distraction. Lagi na lang kasi ako natutulala kay Junjun. Pero mas maituturing ko yun na inspiration.

Oo nga pala. Naging magkaklase kami ni Junjun. Pero sa inaasahang panget na pagkakataon, kaklase din namin si Kris. Naging mas close na silang dalawa ngayon kasi kaming tatlo lang ang magkakakilala simula nung elementary. Nahiwalay lang ako sa kanila dahil sa mga babaeng laging nakapalibot sa akin. Hindi na ako tuloy makasama sa kanila. Nakakaimbyerna! Nandidiri ako sa mga babaeng yun. Hindi tayo talo mga loka! Parehas tayo ng hanap. Parehas tayo ng pangangailangan.

August na. Buwan ng wika. Kaya malapit na din ang Intramurals. Kasali si Junjun sa basketball. Kahit hindi ako marunong, sumali na din ako para makita ko ang mga muscles. Nakakaloka talaga ang katawan nya. Nanonood lang muna ako sa practice nila. Nakikita ko na pag nakakashoot ang isa, may butt slap, chest bump at yakapan pa. Sinabi ko sa coach na ipasok na ako para magawa ko din yun. Excited na ako! Nakashoot ako ng isa. Ako na mismo ang lumapit kay Junjun para gawin nya sa akin yun. Nung papatalon na ako para sa chest bump, butt slap pala ang gagawin nya. Kaya pagtalon ko ay nasalo nya ako. Para akong prinsesa sa ginawa nyang iyon. Nakataas pa ang dalawang kamay ko na parang lilipad. Paikot-ikot pa kami. Nakapikit pa ako. Pero pagdilat ko, apir lang pala ginawa nya. Bigla ko na lang naisip na kelangan ko magtiis ng konti. Baka mahalata ang pagkabakla ko.

May isang lalaking nagtanong sa akin ng hindi ko inaasahang tanong.

“Brad, bading ka ba?”

Nagulat ako kasi baka alam na nya ang totoo. Pero sabi ko na lang sa kanya,

“Tamaan na ng kidlat ang bading.”

Kasi alam ko naman na hindi kikidlat nun kasi tirik na tirik ang araw kaya safe ang lola mo!

"Wala kang karapatang magreklamo na mabaho. Kung ikaw na lang sa bahay nyo ang hindi naliligo" -WalangPamagat

Wag mo isisi sa iba ang lahat ng panget na nangyayari kung ikaw mismo ang dahilan kung bakit ganun ang nangyayari.

Ambet Adventures (Ang nakaraan...)

Para sa masa

Ito ay para sa mga masa

Sa lahat ng spectator sa comp shop habang may kachat ako.
- Nanay ko kachat ko! Ano? Ichichismis mo ko? Mag-in ka tapos chat mo din nanay mo.

Sa lahat ng paimportanteng customer sa tindahan.
-Isipin nyo muna bibilhin nyo bago kayo pumunta sa counter. Shampoo lang bibilhin ko ayaw mo pa ako pasingitin. E’ nagiisip ka pa naman ng bibilhin mo.

Sa lahat ng katabi ko sa front seat ng jeep.
- Dalawahan ‘to brad. Usog ka konti kasya tayo promise. Bayad ako ng buo tapos kalahating pwet ko lang nakaupo. Lugian amp.

Sa lahat ng kasabay namin bumili sa fishbolan.
-Pagkakuha, atras na muna. Hindi yung tatambay ka sa harap ng lutuan. Nakabox out ka pa hindi naman tayo nagbabasketball. Tapos hindi pa sigurado kung tama nga binabayad mo.

Sa lahat ng pasaherong maaarte.
-Kung ayaw mo ng masikip, sa bukid ka. Kung ayaw mo ng mainit, sa ref ka. Kung ayaw mo ng maingay, sa langit ka. Kung ayaw mo ng mabaho, maligo ka!

Walang bagyo, walang pasok

Aug. 7

Dapat matagal ng ganto. Hindi katulad dati na ang lakas lakas na ng ulan e’ may pasok pa din hanggat walang signal number sa lugar nyo. Lalo sa college students. Hanggat hindi signal number 3, may pasok pa din. Pero minsan walang mga prof kasi dahilan malakas ang ulan. Baha daw sa kanila. Pero pag ang estudyante ang hindi nakapasok, patay kang bata ka! Self-study ka brad. Tapos dagdag pa sa absent mo. 4 na absent na lang drop ka na.

Buti ngayon iba na. Ang mga municipalities na ang bahala kung gusto nila magcancel ng klase. O kaya yung mga schools and universities na mismo. Gaya ngayon, yung president na ng university namin ang nagtetext pag walang pasok.Uulitin ko, President ng university namin ang nakatag sa message na kumakalat na walang pasok. Tapos tatanong mo pa kung totoo? Ayaw mong maniwala sa President nyo. Tapos galing pa mismo sa officer ng college nyo yung message na yun. Kung ayaw mo maniwala, sige pumasok ka para ikaw na mismo ang makafeel na wala talaga. Tsaka on time lagi. 4am pa lang, malalaman mo na kung may pasok o wala. Hindi katulad dati na sa tv ka lang maghihintay ng announcement. Tapos kahihintay mo sa pangalan ng school nyo e’ nauubos na oras mo sa paghahanda pagpasok. Ang masaklap pa nun, hindi mo nakita yung hinihintay mo. Ibig sabihin may pasok nga. Pero 7am or 8am na kaya late ka na. Hindi ka na nakapasok. Self-study ka na naman brad.

Tsaka may announcement na din sa Facebook. Pero hindi ko makikita yun pag mga ganitong panahon kase nakakatamad mag-online pag umuulan. Mas masarap pang maghintay na lang ako ng text galing sa mga butihin kong classmate kung may pasok o wala kesa mag-online ako tapos naghihintay lang din ako sa wala.

P.S.
Pag sinabing walang pasok, wala talaga. Lalo kung may pangalan na nakalagay sa text. Maiinis nyo pa si Kevs e’.

College Days (Sayaaaaang)

Aug. 1

“Gudam, due to blah blah blah wala tayong pasok. –Ma’am P.E.”

GUDAM? Binasa ko agad kasi baka importante. Nabasa ko na lang na wala kaming pasok. Positive and negative thoughts ang pumasok sa isip ko. Positive, YES! Buti na lang walang pasok kasi nakalimutan ko yung swimming cap ko. Negative, NO! 7am pa lang nasa school na ako e’ 10am pa next na subject. Pero okay lang. Hindi ko na lang itetext yung iba kong classmate na walang pasok para pumasok na din sila.

Habang naghihintay para sa next subject, nag Mcdo muna kami. Walang magawa e’. Kesa naman 3hours lang kami manuod ng nagpipiko. Okay sana kasi mga girls ang mga nagtatalunan dun. Kaso ewan ko kung bakit hindi ako makatingin ng derecho sa kanila. Habang nasa Mcdo, bumili kami ng fries. Dahil mayaman kami, large fries ang binili namin. 1 large fries na paghahatian ng 3 tao. Yung isa napilitan lang magbigay kasi kulang pera namin pag dalawa lang kami. Kwentuhan kwentuhan blah blah blah. Hindi ko na ikukwento dito yung pinagusapan namin. Alam na nila yun. Kung binabasa nila ngayon ‘to, malamang may mga ngiti sila ngayon sa kanilang mga labi.

Boring na magpa-aircon lang. Kelangan maghanap ng mapaglilibangan. Balik muna ng school para pumasok sa next subject ng biglang may bad news na naman kaming nasagap. Wala daw klase sa subject na yon. May trangkaso daw ang prof. Anak ng! Ade 3pm pa klase? Oo. Ganun na nga. Kelangan pa namin maghintay ng 5hours para sa next subject. Kelangan na talaga maglibang.

Tinipon muna namin ang barkada para magvideoke na lang. Wala ng pakielamanan ng boses. Basta yun ang trip namin. 1hour ang naubos namin dun. Tapos computer. Hindi ko na tanda kung nakailang oras kami dun. Pero madalas 1hour lang kasi nga mayayaman kami. Ayaw lang namin talaga maubos agad yun. Pagkatapos nun, another bad news. Pangatlong bad news sa pangatlong subject sa pangatlong araw ng linggo. Wala na naman daw pasok. May seminar daw yung prof namin. 7am hanggang approximately 1pm nasa school kami naghihintay, tapos walang pasok buong araw? Kung hindi lang talaga major yun hindi ko na papasukan. Pero kung math yun, kahit ilang oras ako maghintay okay lang.

Moral lesson: Pag sinabing walang pasok, wala talaga. Kahit sa Obando lang sabi nya.

Subtitles

Hindi ko na alam kung anong exact date nangyari 'to. Basta galing ako ng school papaluwas. Nakasakay na ako ng bus. Malakas ang sounds ko kaya hindi ko nadidinig yung mga sinasabi dun sa movie na pinapalabas sa bus. Buti na lang may subtitle. Nagtataka lang ako kung bakit parang hindi related yung nakalagay dun sa subtitle dun sa nangyayari sa mga scenes. Tinanggal ko muna earphone ko para malaman kung tama ba naiisip ko.

Sa una, tama naman. Pero yung mga scenes na medyo puro usapan na lang, nalabuan na ako. Hindi ko alam kung mahina tenga ko o malabo mata ko na mali lang talaga nababasa ko. Pero hindi ko pa ba mababasa yun ng malinaw e' nandun lang ako sa likod ng driver nakaupo. Malayong malayo yung sinabi ng bida dun sa nakalagay sa subtitle. Syempre, pirated yun. Pero sa totoo lang, malinaw yung kuha. Hindi ko na maalala kung anu anong mali yung mga nakita ko. Eto na lang naalala ko.

What the character is saying.
Subtitle.

Are you thinking what I'm thinking? - Hold your ticket and my ticket.
You're going to show her to me freak. - You're going to shower for a week.

Next time, sa mga gagawa ng pirated movies na may subtitle, sana ipagawa nyo sa malinaw ang tenga. Pero mas maganda siguro kung wag na lang gumawa ng pirated. Pero syempre hindi mangyayari yun. Kung yun ngang may kapangyarihan, hindi kayo mapatigil e', ako pa kaya.

TURNOFF 101

MGA TAONG MAHAHABA ANG KUKO

-Hindi ko pa din magets hanggang ngayon kung bakit may ganung mga tao. May nail cutter naman siguro sila sa bahay. Kung wala man, sa kapitbahay siguro meron. Ako ang nahihirapan sa kanila pag ganun. Hirap kumain ng nakakamay. Hirap magtype sa keyboard. At ang kadiring part, madumi. Pag mangungulangot ka, masakit sa ilong, kadiri. Pag galing sa c.r., alam nyo na yun.
Wala akong makitang advantage pag mahaba ang kuko. Pampaganda? Pampapogi? Ah alam ko na. Gusto nyo lang talaga siguro maturn off sa inyo yung mga tao.

Goodluck kung may magkagusto sayo!

Ambet Adventures (Last post)

Paalam! Salamat! Huling post lang para dito sa Ambet Adventures. Tapos na ang lahat. Wala na nangyayari sa kanya kaya wala na maipabasa.

To cut a long story short

Crush ako ng crush ko. Nagcrushan kaming dalawa.

Para sa masa

Ito ay para sa mga masa,

Sa lahat ng mga kasabay ko sa jeep
- Iabot nyo naman yung bayad ko. Bayad ko naman yun hindi naman sa inyo. Papansin din kayo e'.

Sa lahat ng mga sisingit sa jeep
- Maluwag pa ho dun sa may loob. Bakit kelangan sumiksik pa sa masikip. Para kang ano. Kung saan masikip, dun sisiksik.

Sa lahat ng guard sa mga malls
- Bubuksan namin bag namin para tusok tusukin nyo lang? Hassle magbukas ng bag brad.

Sa lahat ng lalaking nakatayo sa bus
- Wag nyo naman sana ikiskis sa balikat ko yan. Meron din ako nyan. Wag ka manginggit.

Sa lahat ng taong nagchichismisan habang naglalakad
- Pakibilisan lang ng konti lakad nyo. May nagmamadali sa likod nyo na hindi makaovertake.

Sa lahat ng barbero/ parlorista
- Wag nyo na itanong kung nagustuhan namin ang gupit. May magagawa pa ba kayo kung sabihin naming pangit?

Sa lahat ng nagpapalike/ nagpapashare ng picture para may maitulong DAW
- Kung totoo yan, ade sana ganyan na lang din ginawa ko para may makain ako.

Sa lahat ng slooooooooooow
- Itanong nyo ng maayos ang hindi nyo naintindihan. Hindi yung kayo pa magagalit pag magtatanong kayo. Kasalanan ko bang slow ka?

Sa lahat ng next na kakain sa lamesang gamit namin sa karinderya
- Distansya amigo! Baka hindi kita matancha masiko kita. Parang nababastusan lang ako. Yun lang.

Sa lahat ng may-ari ng karinderya
- Pakibilisan naman po sana yung pagseserve. Nagugutom kami. Sige ka magtatampo ako sa inyo nyan.

Sa lahat ng basahero na umabot dito
- Salamat. May nauuto pa pala ako.

Lasinggero. Tanggero.

Tanggero - Brad sabi nila bobo ka daw sa math hahaha!

Lasinggero - Ako bobo sa math? Gago ka ba? Kahit ano pa itanong mo, masasagot ko yan.

Tanggero - Hindi na kelangan bobo ka naman daw talaga e’. Yung sukli ko nga na pinangbili ng iniinom natin kulang e’.

Lasinggero - Hindi kulang yan. Ganyan talaga yan kasi sabi ko keep konti the change. Sige itest mo ko sa math para mapatunayan kong gago ang nagsabi sayong bobo ako sa math.

Tanggero - Okay sige. Madali lang para hindi ka mahirapan. Kawawa naman kasi utak mo baka sumabog pag nabigla.

Lasinggero - Magtanong ka na lang wag ka na madaming satsat pa.

Tanggero - Oo gago eto na. 10, 20, 30, 40, 50, 60, 70, 80, 90. Ano sunod sa 90?

Lasinggero - Ade 100 tanga. Akala mo hindi ko alam yung pattern na yan ah. Oh sino ngayon ang tanga sa math?

Tanggero - Tanga sa math? Ade ikaw hahaha! Sunod sa 90, ade 91 unggoy. Pano yun 90, 100, 91, 92, 93 tanga!

Lasinggero - Ah t*ngna tama na yang tanungan na yan. Itagay mo na para matapos na!

Relax lang!

Sabado. Walang pasok. Walang magawa. Dati madalas pag gantong araw, puro text lang ako. Puro computer lang. Pero ngayon, walang makatext, walang internet. Kami lang ng utol ko ang nasa bahay kaya ayos lang. Pero boring talaga. As in BORING!

Hindi ko matitiis yung paganto ganto lang. Tapos mainit pa panahon. Sabado ay araw ng pagrerelax. Pero lalo akong naistress pag gantong walang magawa. Buti na lang nagtext pinsan ko.

“Brad nasa caloocan ka ba? Punta daw tayo anonas.”

Kahit wala ako sa caloocan susunod ako sa inyo. Kahit wala akong pera, kelangan gumawa ng paraan. Ginamit ko muna yun pambayad ko ng libro. Hindi na ako nagdalawang isip na sumunod kaya naligo agad ako.Ngayon lang ulit kami magkikita kita. Pano nung nakaraan, nasa malayong lugar ako kaya napagiwanan na ako.

Natapos ko na ang mga kanta sa playlist ko ng makarating ako sa anonas. Nagpasundo na lang ako sa pinsan ko para makapunta kung saan yung bahay. Alam mo kung ano unang tinanong sa akin?

“Napano yang tenga mo?”

Tama naaaaa! Ayoko naaaaa! Sawa na akoooo! Okay let’s move on. Hindi ko na kelangan ikwento kung ano nangyari sa tenga ko. Kung nakita nyo, yun na yun.

As usual ng magkita kita kami, nagsimula na ang inuman. Inihaw na beef tsaka inihaw na lagas na isda ang pulutan. Dahil lagas nga ang isda, walang pumansin dito. Isang litro lang ang ininom namin sa BAHAY. Nagbabalak pa kasi uminom sa labas.

Akala ko naman sa kilala kong bar kami pupunta. Gaya ng Sazi’s, 70’s bistro tska kung ano ano pang bar na pinagpeperforman ng mga sikat na opm bands. Pero sa MERCI kami nagpunta. Bago sa pandinig. Bago sa tingin. Bago sa pakiramdam.

“Engineer, ano ba inorder mo? Tagal mo namili sa menu e’.”

“French fries”

Yan ang pulutan! Para ka lang kakain sa fastfood chains o kaya manonood ng pelikula. Pero syempre nakiinom na nga kami, puro kagaguhan na ang nangyayari. Kahit naman hindi kami uminom ganun na ang madalas na ginagawa namin. Mga stolen pictures. Mga bulong bulungan para macurious ang katabi. Mga pang-asar na titigan. Mga tawanan kahit walang dahilan. Minsan nakikitawa na lang sa kabilang table. Mga panahong kami lang ang pumapalakpak. Halos 3:00am na kami nakauwi nun dahil nagenjoy nga. At malamang mga wala na silang pera.
Lahat kami galing sa eskwela. Kundi naman, galing sa trabaho. Lahat kami may ginagawa sa pangaraw araw. Ito lang ang araw na nakakapag relax kami. Pagbigyan nyo naaaaaaaa!

College Days (7hours vacant)

Nagpaulan na ako wag lang ma-late. Parang na akong bagong ligo nung pagakyat ko ng rooftop pero badnews agad ang nadinig ko.

“Uy wala daw tayo pasok sa visual basic.”

Ha? Math pa lang naman subject namin nun pero next subject na agad pinaguusapan. Hayaan nyo muna ako magpasa ng classcard ko para magkagrade ako. Pero late ko na narealize na 7hours pala magiging vacant namin pag wala ngang pasok sa next subject.

Naisip ko na magandang pagkakataon ‘to para makauwi at matulog na lang. Pero hindi pwedeng umabsent sa last subject kasi absent na ako nung last meeting dun. Patay na. Kung sa 3hours lang na vacant nauulol na ako, pano pa kaya sa 7hours. Kelangan maghanap ng paglilibangan.
Hindi pwede magpunta sa computer shop kasi sayang ang pera. Hindi pwede umuwi kasi hindi pwede umabsent. Hindi pwede mangchix kasi wala naman talaga. Ano na gagawin ko?

Buti na lang naisip nila na magapunta na lang sa bahay ng isa naming classmate. Sa una hindi malaman kung saan. Sa dami ba naman ng sasama kahit ako hindi ako magvovolunteer na sa amin magpunta. Tsaka kahit magvolunteer ako, mamumulubi sila. Sa layo ba naman ng bahay namin e’.

“Dun na lang tayo kala Beth. Sa Calumpit lang yun.”

13 lang pamasahe. 20 bigayan. Bale 46 lahat lahat kasama pamasahe balikan tsaka pagkain. Kumpara sa pagkain lang na 40 dalawang ulam tsaka unli rice dun sa KFC (Kapitolyo Food Court). More or less 30 kami lahat na kasama dun. Kasama din namin yung mga kaklase namin sa minor subjects kaya madami kami.

Hindi ko na isasama yung nanood kami ng Seed of Chucky kasi hindi ko naman talaga napanood ng maayos dahil sa nakaharang na bintana.

Okay kainan na! May lechon manok, adobong sitaw at ang matinding panghimagas, big juicy bananas! Sa halagang bente solve ka na. May merienda pa pagdating ng bandang 3pm kasi 5pm pa naman klase namin nun.

Hindi ko na pahahabain pa kwento ko kasi alam kong bored na bored ka na. Parang ako na gutom na gutom habang ginagawa ang post na ito.

College Days (Bayad ho. Labintatlong estudyante)

Tanghaling tapat. Maniit. Nakakagutom. Medyo matagal tagal na vacant ‘to kaya naisipang mag house hopping. Bakit house hopping? Parang bar hopping lang din kaso ito sa mga bahay kaya house. Tanga ka na lang kung hindi mo pa nagets. Pero syempre joke lang yun.
Tabang, Plaridel ang destinasyon. Okay malapit lang. Pasok sa budget.
Wala namang masyadong importante sa pagpunta namin dun maliban lang sa pagaaway sa paghuhugas ng pinggan.

3pm ang klase. Umalis kami dun ng 2:30pm. Kung madalas kang dumadaan sa ruta na yun alam mong late ka na. At ang malas pa dito, may tatanga tangang truck na nalubog sa pagmamaniobra. Kung naglalaro ng snake yung driver nun, malamang high score na sya dahil sa haba ng traffic jam na nagawa nya. Yung 30mins nga na byahe kulang na kulang na tapos may traffic jam pa. Lasma!

Strict pa man din yung professor namin sa next subject. Ang sabi nya sa rules nya sa pagpasok, “If you come early, you’re wasting your time. If you come late, you’re wasting others time.”
At sa inaasahang pagkakataon, late kami. Actually absent na. Kasi hindi na kami nakapasok. Nagabang ng 2hours kung may mapapala pa kami.

Natapos ko na ang isang album ng Mayday Parade wala pa din nangyayari. Nang biglang bumukas ang pinto. Akala ko papapasukin na kami kasi naawa na sa amin. Yun pala magsusukat lang kami ng org shirt namin. Pero ayos na yun kasi hindi kung umuwi agad ako, wala na akong sukat sa org shirt.

Quote of the day: Wag magmaniobra sa putik, kasi may malelate sa professor na strict.

College Days (Ate survey lang po)

Ilang araw na din ang nakaraan simula nung unang araw ng pasukan kaya mga ka-close ko na din mga classmate ko. Marami na din kaming katarantaduhan na nagawa tulad na lang ng pagkuha ng number na mga babae.

Malakas ang hangin. Kakatapos lang kumain. May vacant pa ng 3 hours kaya tambay muna kasama ang buong section namin. Nakita namin ang kaklase namin na may pinapafill-upan na form. Yung survey nga pala sa science hindi pa namin nagagawa. As usual tinatamad ako pero may naisip kami na bright idea para matapos ang survey PLUS may chix pa. TING!

“Brad kuha tayo ng form kay Barney tapos pasagutan natin sa mga babae tapos lagyan natin ng number dun sa tanong.”

Isang napakagandang idea. So yun nga, kumuha na kami. Nakalagay lang dun sa form, name, profession, tsaka date. Kami na lang naglagay ng cellphone number. At naghanap na kami ng biktima. Este mga sasagot pala sa survey. Kelangan piling pili yung pagbibigyan namin kasi apat na papel na lang yun. At dahil mainit ang mata namin sa mga ganun, nakakita agad kami.

First year tourism pala yun. Maganda. Maputi. Makinis. Sakto lang. Success! Wala na silang palag kasi mga first year palang. Hindi pa nila alam ang mga ganung diskarte. At nagdiwang na ang lahat! Pwera ako.

Wala na akong pakielam sa mga number number na ganun. Alam ko na number ng gusto kong itext. Alam na din nya number ko. Kaya ayos na yun. Abang abang na lang.

P.S.
Wala pa akong balita kung nagreply na sa kanila yung number na yun.

Nice to be back

Sa wakas! Nakapag ayos din ng blog. Actually hindi naman pagaayos tawag dito kundi dalaw. Hindi ko alam kung bakit nasabi kong pagaayos yun.

ANYWAY!

Long time no post. Pano walang net sa bahay. Kaya nakigamit lang ako ng laptop ng iba para makapagpost lang. Baka malusaw na naman blog ko sayang naman.

May mga pending posts ako kaso nandun sa isang laptop ko. Hindi ko nakuha para maipost na. Wag kayo magalala madami dami yun. Parang yung MgaEpal, matagal silang nawala pero pagbalik nila, madami na din silang mga bagong posts.

Ganun ang balak kong gawin. Pero walang naman akong basahero dito bakit gagawin ko pa yun. Next time na lang ulit mga kids!

PAALAM!

Unang araw ng katamaran

Maulan. Madilim pa kahit 7am na. May pasok dapat agad ako ng 7am pero hindi ako pumasok. Ang lakas lakas ng ulan tapos papasok pa ako sa p.e. namin na swimming? Kalokohan. May konting katamaran akong nararamdaman. Pero sige na, may katamaran talaga akong nararamdaman noon na hindi konti. Wala akong kakilala ko na magiging classmate ko. Lahat sila hindi ko kilala. Hindi din nila ako kilala. Kaya kwits lang.

Maaga ako umalis ng bahay kahit hindi ko naman talaga ginagawa sa normal na klase. Bagong professor. Bagong classmate. Bagong taon. Bagong buhay. Tsaka matumal kasi ang byahe lalo alanganin ang pasok ko na 10am. Hindi ko pa napanood yung NBA. Ayos lang panalo naman OKC noon.

Wala akong clue kung sino mga classmate ko nung pag akyat ko sa 4th floor. Malayo ako sa room namin para hindi nila malaman kung classmate nga nila ako. Nagabang lang ako na pumasok yung prof namin para diretso na ako pagpasok. Wala ng interview pa na mangyari sa labas ng room. Marami akong nakikitang mga babae na gusto ko maging classmate. Syempre piling pili ko yun. Sa 24 na babae na nakita kong gusto kong maging classmate, swerte pa ako at may 3 akong nahulaan. Hindi katulad dati na wala man lang.

Pagpasok sa room, naninibago ako kasi tahimik ako. Hindi ako sanay ng ganun pag nakaupo na sa room. Madalas nagsisisigaw na ako sa loob. Kung ano ano na sinasabi ko. Pero ngayon hindi. Parang hindi ako yung pogi na yun. Hindi ako nagsalita simula nung pagalis ko sa amin hanggang makauwi ako. Pero sa isip ko kung ano ano na sinasabi ko.

Dapat may pasok pa kami ng 3pm nun. Pero 12pm pa lang pinalabas na kami. 3 hours vacant. Umuulan kaya nakakatamad. Pero nakakatamad naman talaga kahit hindi umuulan. Tinamaan na ako ng antok kakahintay. Naisip ko agad na umuwi na. Hindi ko na inisip na maghintay pa ng matagal lalo ako lang magisa. Kaya umuwi na ako.

Hindi ko na itutuloy kwento ng unang araw ko sa 3rd year. Nakakatamad na e'.


Star

Meron ngayon sa facebook na lalagyan mo ng star yung friend mo tapos makikita mo na ang mga nangyayari sa kanya ng hindi nya nalalaman. Parang stalker lang ang datingan mo. Pero syempre patok yan sa mga taong may lihim na pagtingin sa friend nila sa facebook. Good news yun syempre. Pero dahil good news yun, meron ding bad news.

Ang bad side naman nun ay pag nakita mo na masaya sya sa iba. Yung parang nagpapacute ang mga status nya sa facebook pero hindi naman sayo. Masasaktan ka lang. Yung tipong masaya kayo na naguusap sa cellphone pero mas masaya pala sya pag iba ang kausap nya. Mas gugustuhin mo pang hindi malaman kesa masaktan ka ng katotohanan.

Hindi ko na sana ipopost 'tong teleserye post ko pero wala lang talaga ako magawa t*ngna.

Kronikels op Tanya (First day of school)

Haaaay! Kaloka ang bakasyon. Lagi lang akong nakatambay sa harap ng tindahan kasama ang mga kaibigan kong boys. Hanggang ngayon ay hindi padin nila alam na ako ay isang beki. Magaling akong magtago. Pero syempre minsan hindi ko maiiwasan na ilabas yun sa mga chancing chancing na ginagawa ko sa kanila. Aaaaay! Kinikilig tuloy ako hihihi.

Unang araw ng klase. Hindi ko alam kung magiging kaklase ko pa ba si Junjun. Kasi simula nung nagpunta sila ng bora kasama ang sister kong si Kris ya hindi pa sila bumabalik ulit. Nagaalala na ako sa kanya. Pero nandun naman si Kris at alam kong aalagaan nya ng mabuti si Junjun.

Hinanap ko na ang room ko. Nagulat na lang ako ng makita ko ang mga pangalan ni Kris at ni Junjun sa listahan ng isang room, pero pangalan ko wala. Tinignan ko lahat ng listahan sa bawat room pero wala talaga ang pangalan ko. At pagpunta ko sa isang room, may nakita akong isang matandang nakaputi. Parang ermitanyo na ang itsura nya at namumungay ang mga mata.

Matanda: Ano ang ginagawa mo dito iho!
Tonyo: Ah titignan ko lang ho ang pangalan ko kung nasa listahan ako.
Matanda: HINDI KA PWEDE DITO!

Galit na sabi ng matanda.

Tonyo: Bakit naman po?
Matanda: Hindi mo ba alam na CR ito! Naglilinis pa ako dudumihan mo na agad!

T*ngna unang araw pa lang napahiya na agad ako. Janitor pala ang matanda at cr 'yung napuntahan ko. Kaya pala masyadong maliit para sa isang classroom.

Hindi ko pa din makita ang pangalan ko. Nagpunta na ako sa lahat ng room pero wala. Maya maya may tumunog na familiar na kanta sakin.

"And if forever's not enough for me to love you. I'd spent another lifetime baby. If you ask me to there's nothing I won't do. Forever's not enough for to love you soooooo."

Ringtone ko nga pala yun. Idol ko kasi talaga si SarahG. Tumatawag pala mama ko.

Tonyo: Hello ma?
Mama: Nasa school ka na ba?
Tonyo: Oo ma. Kaso hindi ko makita pangalan ko sa mga list of students kaya hindi ko alam kung ano room ko.
Mama: G*go hindi mo talaga makikita pangalan mo dyan. Hindi ka naman nagenroll diba? Puro ka lang tambay.
:toot toot toot:

Binaba ko na ang tawag ni mama. Bigla kong naalala na hindi nga pala ako nagenroll. Nawala sa isip ko. Nalibang ako sa mga boys. Yan na naman kinikilig na naman ako pag boys ang usapan.

Nagpunta na ako sa principals office para magenroll. Pogi pala principal dito. Akala ko lahat ng principal mga babae. Pero dito pogi. Tsaka na ako magkukwento ulit. Naalala ko na naman ang mga boooooys!

Worst Feelings

1. Text ka ng text hindi ka pa pala naka-unli.

2. Naghihintay ka ng reply hindi pala nagsend text mo.

3. Natatae ka na pero may tao pa sa cr.

4. Pag may importante kang tatapusin tyaka ka tatamarin.

5. Kung kelan kelangan na matulog tyaka ka magkakaroon ng energy.

6. Pagkapatay mo ng computer tsaka mo maiisip kung ano talaga dapat gagawin mo.

7. Kung kelan tapos ka na kumain tsaka ilalabas ang masarap na ulam.

8. Kung kelan nagtoothbrush ka na tsaka magaaya ng midnight snack.

9. Kung kelan matutulog ka na tsaka madami magtetext sayo.

10. Namimiss mo ang isang tao pero wala kang magawa :[

TURNOFF 101

MGA BABAENG NAKA HIGH HEELS

- Hindi ko alam kung bakit ayoko ng mga babaeng ganun. Yung mga classmate ko gustong gusto yung mga ganun. Habang nakatambay kami nagaabang ng next subject, nagaabang kami ng mga babaeng nagdadaan. Basta ganun talaga kami lagi. Tuwing may mga babaeng nagdadaan, tuwang tuwa sila pag naka high heels. Yung sintaba lang ng lapis tapos napakataas talaga. Hindi ko alam tawag sa ganun. Basta alam ko heels. Para kasing hirap na hirap na sila pero gusto pa din nila isuot yun kasi parang wala lang. Pampachix lang.

Mas gusto ko yung simple lang. Kahit hindi ganun kataas basta hindi nagheheels. Malakas tama sakin nung mga naka flats lang. Yung mga naka era, slip-on o yung old school na shoes. Basta yun na yun.

Wala lang talaga ako mapost.

Ambet Adventures (Me Miss You)

Alam kong mangyayari ang pagkakataon na ito. Yung wala na kami masyadong communication. Hindi ko na alam kung ano nangyayari sa kanya. Pero kahit na isipin ko sya lagi, wala din talab yun kasi hindi naman nya alam na ganun ginagawa ko. Tsaka hindi naman kami. Ano nga naman pakielam nya e' may sarili din syang buhay. Ako lang naman 'tong nakikigulo kahit hindi nya gusto. Actually, hindi naman talaga ako nanggugulo. Pero parang ganun na din yata yun. T*ngna gumulo na lalo. Concern ako kahit hindi kami. Nagaalala ako kahit hindi kami. Teka lang, tinagalog ko lang diba? Okay basta yun na yun.

Ganun naman talaga siguro dapat gawin ng isang lalaking may gusto sa babae. Kahit hindi kayo, iparamdam mo sa kanya na mahal mo sya as girlfriend kahit hindi mo naman talaga ssya girlfriend. Pero paano ko naman gagawin yun? Sa text ko lang sya nakakausap tapos ngayon busy na sya. Wala akong magagawa kung hindi na nya ako tinetext kasi hindi naman nya obligasyon na itext ako. Siguro maghintay na lang ako ng weekend kung wala na sya ginagawa.

Sabi nga sa kanta, "Naghihintay, kahit parang walang pagasa." Pero syempre hindi ako mawawalan nun. Sabi din kasi nila, hanggat may buhay may pagasa. E' naka unli-lives nga ako e'. Wala ka na magagawa. Until she say ENOUGH! Ayoko sabihin nya na tama na, tigilan mo na, ayoko na. Gusto ENOUGH para sosyalin ang dating kahit friendzoned na ako. Parang sa teleserye lang.

One of The Boring Dayssss

Ang saya ng araw na 'to! Pero Syempre joke lang yun.

Nagsimula na ang pasukan kaya wala na ako makausap. Pati katext ko may pasok na din kaya hindi na makapagreply. Katangi tanging katext nawala pa. Ang tagal naman kasi ng pasukan namin. Hindi naman sa excited ako pero bored na talaga dito sa bahay.

Gigising ako manonood ng NBA. Pagtapos, Showtime. Tapos nun, matutulog na naman ako. Pag gising, maghahanap ng makakaen. Akala nyo maganda araw araw ko kasi wala akong ginagawa. Sige kung gusto nyo palit tayo. Mas gusto ko pa yung may ginagawa kesa sa ganito. Pero pag may gagawin naman ako, tinatamad na ako. T*ngna anlabo talaga. Tapos wala na ako maisip na ilagay dito sa blog ko.

Gusto ko na pumasok. Incoming 3rd year na ako pero parang wala pa ako natututunan. Wala akong maisusulat sa resume ko neto pag nag-aaply na ako. Gaya ng sinasabi ko every school year, kelangan magseryoso na sa pagaaral. At syempre hindi ko yun nagagawa.

Hindi ako adik sa dota. Hindi ako marunong magtetris. Wala din ako girlfriend. Nanliligaw pa lang ako. Pero hindi kami parehas ng school kaya hindi yun matuturing na hindrance sa pagaaral ko. Ang kalaban ko lang talaga ay ang magiting, malakas, at makapangyarihang katamaran. Lalo na malayo pa bahay namin hanggang sa school. Isa't kalahating oras ang byahe makapasok lang ako. Kaya ayun aantok antok ako sa sasakyan pag papasok na. Kaso iba na mga kaklase ko ngayon. Sana lang harmless sila.

Lasinggero. Tanggero.

Tanggero: Braaaaad! May tanong ako sayo.
Lasinggero: Ano na naman yuuuuuuun!
Tanggero: Ano ang tagalog ng PIG?
Lasinggero: Ano akala mo sakin, tanga? Lasing? Syempre alam ko yan.
Tanggero: O ano nga. Dami mo pang satsat dyan. Hindi mo naman talaga alam.
Lasinggero: Teka lang! Iniisip ko pa. Naitanong na din sakin dati yan e'. Parang pangalan bulaklak ang sagot.
Tanggero: Uulitin ko. Ano ang tagalog ng PIG?
Lasinggero: Yun! Alam ko na.
Tanggero: Ano nga! Paulit ulit ka lang gago.
Lasinggero: ROSAS! O ano ka ngayon akala mo hindi ko alam ah. Itagay mo ngayon 'tong tagay ko.
Tanggero: HAHAHAHAHAHA! Gago PIG. Baboy. Hindi PINK! Sino tanga satin ngayon?
Lasinggero: Bukas na lang natin ubusin 'to. Tinetext na ko ni misis. Gawin ko lang daw light.

I saw what you did there


Tangna ako pala yoooooooooon!

Ambet Adventures (I can do what I want)

Katulad nga ng mga naikwento ko dati, nagtapat na ako kay Bebet. More than 2 times ko na ginawa yun. Pero ngayon sinubukan ko ulit. Hindi ko alam kung bakit napunta kami sa usapang paasa. Simula nun, bago mawala ang pagkakataon na magsabi ulit ako sa kanya, tinanong ko sya ulit kung pwede ako manligaw. And it goes like this.

Ambet- Dahil 'yan na ang napaguusapan natin, tatanungin kita ulit, pwede ba manligaw? :] Segueeeeee haha.
Bebet- Seryoso? Ano ba mapapala mo pag ganun? Haha.
Ambet- Seryoso kase ako -_- Mapapala ko? Chance :]
Bebet- Ganooooon? Baka kasi mapaasa kita e.
Ambet- Atleast I tried.
Bebet- True :p sure ka ah?
Ambet- Zuuuuure. Gaya nga ng sabi ko, hanggat walang ENOUGH :]
Bebet- Sige. You may do what you want :)

At dyan pa lang nagsisimula ang totoong adventure ko.

Dear Girls,

Ang PICK UP LINES ay hindi simpleng biro lang. Ito ay totoong nararamdaman namin na hindi namin masabi ng seryoso sa inyo. Kaya sana lang wag yung punchline ang isipin nyo. Isipin nyo yung laman nung punchline. Namnamin nyo. Para malaman nyo kung ano talaga gustong sabihin namin sa inyo.

Pick up lines- Saying what you want to say in a clever and sweet way that girls cannot easily get what you mean.



Sincerely,
Boys

Heater. Heater. Bestfriend HEATER!

Ang isa sa mga pinakamahirap gawin sa Baguio bukod sa tawad ay ang pag ligo.

Pag gising ko kanina, wala pang nakakaligo kahit ako na ang huling nagising. Lagot na kako. Baka walang heater. Kanya kanyang init na naman ng tubig. At para sa mga mayayabang, rekta ligo na kahit malamig. Alam kong tinitiis lang nila yung lamig na yun. Mas malamig pa nga yung tubig sa gripo kesa sa tubig sa ref.

Hindi pa ako nakakapag-toothbrush, pagligo ko na agad ang nasa isip ko. Kahit minsan hindi ako naliligo, pero syempre iba pa din yung may lakad kayo. Pinapaligo na ako ng ermat ko, hindi ko pinansin. Naglibot-libot muna akong magisa sa labas ng tinutuluyan namin. Kahit nagtatago lang naman talaga ako sa sasakyan makatakas lang sa ligo.

Nung nakita kong nakaligo na utol ko, pumasok na din ako at nagayos na. Hindi nga nakakaligo yun kahit hindi malamig e' yun pa kayang malamig. Baka kako nagpainit ng tubig to. May tira sana ako.

Nung umihi ako sa cr, May nakita ako na kung anong nakakabit sa shower. Malamang heater na nga 'yun. Pinagexperimetuhan ko. Pinihit ko ng pinihit yun nakasabit na yun. Pero walang nangyayari. Baka nasira ko na. Walang lumalabas na tubig o kahit anong reaksyon ang ginagawa nya. Nung lumabas ako, bakit kako may nakagamit pa. Tangna tanga ko talaga. Yun lang pala yung nagtitimpla kung gaano kainit yung tubig. May pihitan pa pala na seperate yung sa shower.

Pagkaligo ko, hindi ko na pinatay yung shower at baka kung ano pa magawa ko sa kanya.

Baguio Trip (Day 1)

Unang araw. Tangna hirap magtype pag inaantok na.

Kahapon pa lang hindi na sila mapakali sa mga dadalin nila. Pass 10pm na nga hindi pa din ako nakakapagimpake e'. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagiging excited sa mga gantong bagay. Kahit anong outing parang wala akong pakiramdam. Ngayon nga nandito na ko sa Baguio parang mas gusto ko pa din samin. Kung hindi lang talaga 'to last outing na kasama mga relatives ko sa motherside, hindi talaga ako sasama.

Nagising lang ako kaninang umaga sa mga kaingayan nila. Wala pa talaga akong balak bumangon lalo't masarap pa matulog. Bigla na lang may nagsabi na kakain na. Hindi na ako nagdalawang isip. Toothbrush. Hilamos. KAIN NA!

Habang nasa byahe, magdamagan akong kumakanta ng kahit anong tugtog sa radyo o sa phone ng utol ko. At iyon na. Umulan na ng malakas. Yun talaga ang balak ko para hindi matuloy 'tong lakad na 'to. Bait ko diba. Pero tuloy pa din. Palpak ang aking plano. Kaya nanahimik na lang ako.

Naiirita ako sa mga kasama ko sa sasakyan. Palibahasa halos puro bata. Ang iingay. Puro reklamo na antagal naman daw. Bakit daw hindi bilisan ng driver. Baka daw naliligaw na kami. Kaya pinilit kong matulog. Pero hindi pa din ako nakatulog kasi naaalog ako ng sasakyan.

5hours din ang byahe namin. Simula nung lumiko-liko na daan, eto na. Malapit na kami. Natataranta na mga kasama ko kasi daw malipat na nga. Mga gago! malayo pa din yan. Nahihilo lang kayo kaya akala nyo malapit na.

Natawa lang ako sa tita ko kasi nung nasa nlex, makikita mo yung mt. arayat. Nung nasa La Union na kami, eto na daw 'yung nakikita naming bundok kanina. At take note, proud pa sya nung sinabi nya yun. Pinigil ko na lang sarili kong barahin sya kasi nga nakakatanda. Pero tawa talaga ako ng tawa sa isip ko. Buti na lang may nag-iba ng topic na alam din yatang hindi yun ang bundok na yun. Isa syang bayani.

At sa wakas, nakarating na din kami. Hanggang ngayon pinapatulog pa din ako. Halos kalahating oras na nila sinasabi sakin yun. Pero natapos ko pa din 'tong post na 'to.

'Til tomorrow :]

Para sa mga basahero (kahit wala)

Pahinga muna ako. Medyo wala ako sa hulog ngayon. Sandali lang naman. Konting tiis lang sa konting basahero :]

Ambet Adventures (Just one)

Sa tinagal tagal naming magkatext ni Bebet, hindi ko na alam kung ano mga napagusapan namin. Pero pag ako nagbibigay ng topic, siguradong waley. Pero hindi pa yun nangyayari kase hindi pa kami nauubusan ng pinaguusapan. Madami pa akong gustong sabihin pero lagi na lang syang nawawala. Nakakatulog. May ginagawa. At hindi ko na alam.

Pero kahit ganun, ayos lang. Kahit tatlong text lang nya, ayos lang. Kahit dalawang text lang, medyo ayos na din. Kahit isang text lang nya, wag naman sanaaaa!

Araw araw akong unli kahit hindi naman sya nagtetext. Being boyscout lang. Laging handa. Kung hindi man ako unli, may extra load ako na pangunli. Being boyscout lang ulit. Laging handa. Ako na nauunang magtext kay Bebet kase alam kong busy sya. Ako wala naman ako ginagawa talaga. Yun lang ginagawa ko araw araw. Magtext. Maghintay ng reply.

Hello Bebet :]

Ambet Adventures (To effort or not to effort)

May mga babae na gusto nageeffort yung mga lalaki. Kahit ako ganun din gagawin ko. Kaso nga lang minsan kung hindi ka talaga gusto wala kang magagawa. Kahit mageffort ka kung wala talaga no choice ka. Inulit ko lang sinabi ko diba?

Nagtetext ako kahit hindi sya nagtetext or nagrereply. Ayos lang sakin kasi yun ang gusto ko. Hindi nya ako pinipilit na gawin yun. Pero minsan naisip ko na baka ayaw nya ng ganun. Wag ko na lang kayang gawin. Baka naiinis na sya kakatext ko. Pero syempre as a guy, kelangan kong gawin yun para ipakita na hindi ko sya nakakalimutan. Tangna drama na naman. Ayoko ng may mga gantong usapan dito.

Gagawin ko 'to hanggat kaya ko. Pag wala na talaga, gagawin ko pa din. Akala mo susuko agad ako ah. Hanggat hindi nya sinasabing "ENOUGH."

Manhid ako. Hindi ko ramdam.

Chismis ni Kris (ByeTonyo)

Its bekeysyon na. Wala akong mamimiss. Hindi ko mamimiss si Tonyo kasi madalas ko naman sya makikita. Tsaka magkatext naman kami. Wala akong mamimiss na bonding namin. Kase nga puro lang kami text. Wala kami physical activities na ginagawa. At wala akong maisip na kung anong idea.

Bigla na lang akong nagulat nung inaya ako ni Junjun na sumama sa kanila sa bora. Hindi ko alam kung bakit naisip ni Junjun yun. Ayoko sana umalis kase mamimiss ko si Tonyo. Pero dahil first time ko nga makapunta dun, hindi na ako nagdalawang isip. Nagimpake agad ako kahit hindi pa ako sumasagot ng oo. Hahayaan ko muna si Tonyo dito sa maynila. Hahayaan ko muna sya na magisip kung ano nga ba ang katauhan nya. Gagawin ko syang lalaki kung kaya ko. Para sakin sya mapunta.

Tinago ko kay Tonyo na sikreto yung pagsama ko kay Junjun. Kasi baka mainggit sya kasi hindi sya kasama. Kawawang bata. Sinabi ko lang sa kanya na kaming family lang ang pupunta dun. Hindi ko sinabi na si Junjun ang nagaya sakin.

Sandali lang kami dun kasi naaasiwa talaga ako kay Junjun. Oo gwapo sya pero may pagkamayabang. Ayoko sa mga lalaki ng ganun. Si Tonyo talaga ang gusto ko. Kahit bading sya, nasa kanya ang katangian ng isang lalaki na hinahanap ko.

Chismis ko sayo lahat ng nangyari sa bora next time fafa Tonyo. Mwua mwua tsup tsup!

Junjun's Journey (Boraing)

Sabi nga ni Tonyo, bakasyon na. Malaya na naman ako sa kung ano gusto kong gawin. Nakabawi na ang company namin. Marami na ulit kami pera kaya ako ay magliliwaliw muna. Kaso lang, boring ang bakasyon ko kasi kasama ko pamilya ko. Hindi ko magagawa ang lahat ng gusto ko. Siguradong pipigilan nila ako sa mga gagawin ko. Kung hindi man, ipapasama ako sa mga body guards namin. Buti na lang may naisip akong bright idea. TING!

Isasama ko na lang si Kris para mas enjoy ang bakasyon ko. Kaya bako kami umalis, tinanong ko kung gusto nya sumama. Sabi nya hindi daw papayag mga parents nya kasi sya lang daw magisa. Walang problema, sasama kayong lahat. Nauna na kami ng family ko kasi hindi agad sila naibili ng ticket kaya susunod na lang sila.

Sabi ko wag na lang nya sabihin kay Tonyo kasi baka magselos sya. Alam ko may pagtingin din sya kay Kris kasi lagi silang magkatext. Sa sobrang close nila, kahit magkaharap, nagtetexan pa din sila.

Nagdaan ang mga araw na kaming dalawa ni Kris ang laging magkasama. Pero hindi ito alam ng parents ko. Baka kasi magalit sila pag nalaman nilang na kumaha na naman ako sa napakarami naming pera. Kaya nagrent na lang ako ng isang bahay para doon sila tumira.

Bigla ko na lang naisip si Tonyo. May nakita kasi akong dalawang lalaki na magkaakbay. Ganun kasi laging ginagawa sakin ni Tonyo. Sana lang talaga hindi sya bading. Kundi, BANG!

Kronikels op Tanya (Bakasyon)

Bakasyon na. Namimiss ko na si Junjun. Namimiss ko na yung mga harutan namin. Yung sabay na pagihi namin sa cr. Mga tapikan sa pwet. At lahat ng ginagawa kong tsansing sa kanya. Hindi ko alam kung ano gagawin ko para makita ko ulit sya. Nang bigla akong may naisip na bright idea. TING!

Susundan ko na lang sya kung saan man sya magpunta. Stalker mode kung baga. Kaso nung nalaman ko sa chismosa kong friend na si Kris na pupunta daw si Junjun ng bora, nagbago na isip ko. Mas maganda siguro kung dito na lang ako. Magsight na lang ako ng ibang boys pansamantala. Hahayaan ko muna syang magsaya dun. Habang ang aking pagiging bading ay nananatiling sikreto sa aming dalawa ni Kris.

Nagdaan ang mga araw na kaming dalawa lang ni Kris ang magkausap. Syempre sa cellphone lang. Kasi hindi ko na macontact si Junjun. Lalo na kung hindi ko alam ang number nya. Kung ano anong kabaklaan lang ang pinaguusapa namin. Mga lalaki. Mga pampaganda. At biglang may sinabi si Kris sa akin na ikintaas ng high blood ko. Pupunta din daw sila ng family nya sa bora. Ibig sabihin magkikita sila ni Junjun. Sabi ko na nga ba may pagtingin din kay Junjun yun e'. Bruhang 'to aagawan pa ako.

Ambet Adventures (Ang Pagtatapat)

Nagdaan ang madaming araw na magkatext kami ni Bebet. Marami akong nalaman sa kanya kahit konti lang. Kahit madalang lang kami magkatext sa isang araw, ayos lang sakin. Kasi nga may pasok din sya.

May mga araw na nagkakaroon ako ng lakas ng loob na magtapat na sa kanya. Pero pag magkatext na kami. TANGNA! Nawawala na bigla. Natatakot ako kasi baka magbago ang tingin nya sakin. Baka sabihin nya masyado ako aggre. Hindi naman siguro ako ganon. TANGNA! Ang dami ng drama ang mga nasabi ko. Gusto ko lang naman talaga sabihin ay nagtapat na ako sa kanya.

Twice na ako nagtanong kung pwede ako manligaw. Una, ang reply nya ay "Lols." Hindi ko nagets promise. So binaling ko na lang ang topic sa ibang bagay. Pangalawa, ang reply nya ay "Lols?!?" Nadagdagan lang ng quotation marks. Tapos sabi ko seryoso ako. But then again, ang reply nya, "Lols?!?!?!?!?!?" Humaba paaaaaa! Hindi ko alam kung sa friendzone ako mapupunta o sa courtship. Wala naman syang sinabing hindi. Wala din syang sinabing oo. Maghihintay na lang ULIT ako ng takdang panahon para magsabi ULIT.

LOLS!

Situations...

GOOD:
Nasabi mo na na gusto mo sya.
BETTER:
Pinayagan ka nyang manligaw.
BEST:
Malaki ang chance na maging kayo.


BAD:
Ayaw nyang maniwala na gusto mo nga sya.
WORSE:
Umiiwas na sya.
WORST:
Wala na kayong communication.

Chismis ni Kris

Hello there! I'm looking at you while I'm saying hello there. Ako nga pala si Kris Marquez. Isang simpleng bata na gusto lang makipagkaibigan kung kanikanino. Hindi naman ako maarte. Hindi naman ako malandi. Hindi naman ako masamang tao.

Nagsimula ang aking pagiging friendly nung elementary days. Kung saan marami akong nakitang mababait na tao. Marami din akong naing kaibigan dun. Hindi ko lang alam kung bakit hindi sila makaharap sa akin pag naguusap kami. Wala namang problema sa mukha ko. Maganda naman ako.

Buti na lang nandyan si Tonyo. Kaklase ko sya simula grade 1 hanggang grade 6. Hindi ko alam kung kailan. Basta bigla na lang ako nagkagusto sa kanya. Wala na akong pinapansin na ibang lalaki kundi sya. Isang bese nya lang ako kinausap at hindi na naulit pa 'yon. Sinabi lang nya sa akin ay "Pwede kong makuha number mo? Text na lang tayo."

Naisip ko agad na baka may gusto din sakin si Tonyo kasi sya na ang kumuha ng number ko. May sasbihin daw sya sakin na sikreto nya. Matagal na daw nya yun tinatago at gusto na nya sabihin sakin. Kinikilig ako. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Papangunahan ko ba sya na magtapat? Sasagutin ko ba agad sya pag nanligaw? Pero nagkamali ako. Ang sinabi lang nya ay

"Kris, bading ako."

Biglang napahinto ang mundo ko. Nagkagusto ako sa isang bading. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero dahil gusto ko nga sya, itatago ko na lang ang kanyang sikreto. Walang makakaalam na sya ay isang bading.

Kinabukasan, dahil adik din ako sa text, tinext ko si Tonyo. Ang sabi ko,

"Goodmorning Tonyong bading hehehe."

Nagreply agad sya.

"Loka! Wag ka maingay jejeje."

Nagulat na lang bigla ako. Hindi dahil sa jejemon pala si Tonyo. Kundi dahil nai-GM ko pala iyon. Maraming reaksyon akong natanggap tungkol doon. Lagot ako kay Tonyo. Pero sabi ko sa mga kaibigan ko na wag na nilang sabihin kay Tonyo na alam na nila iyon. Malaki naman tiwala ko sa mga iyon kasi matagal na kaming magkakaibigan. Kahit hindi nila ako kinakausap ng harapan.

Junjun's Journey

Ako si June Torres.Napakagwapo kong tao. Mayaman kami. Malaki ang bahay namin dito sa America. Maraming marami kaming pera. May pagawaan kasi kami ng tiles. Ito ay ang Tiles Industry of Torres Incorporated. Wag nyo na gawan ng acronym at maski ako ay napapangitan din talaga. Hindi ko malaman kung bakit nagkaganyan ang pangalan ng company namin. Pero ayos lang yun. Mayaman pa din kami.

Minsan nga hindi ko na malaman kung paano ko gagastusin yung pera ko. Minsan, sinisigaan ko na lang. O kaya ay ginagawa kong pamunas ng pwet pag inabutan ako sa mall.

Isang araw, bigla na lang nalugi ang aming kompanya. Biglang humina ang bentahan ng tiles. Naubos ang aming mga pera. Naghihirap na kami. Lahat ng mga ariarian namin, naibenta na din. Kaya naisipan ng pamilya namin na bumalik na sa Pilipinas.

Nagaral ako sa isang public school. Naninibago ako kasi konti na lang ang baon ko. Hindi ko na nabibili ang lahat ng gusto ko. Pero dito ko natagpuan ang tunay na ligaya.

Nakilala ko ang aking matalik na kaibigan na si Tonyo. Lagi syang nandyan para sakin. Kung babae nya lang sya ay niligawan ko na sya. Pero kung bading sya, T*NG*NA! Mamatay na sya. Galit ako sa mga bakla. Hindi ko alam kung bakit. Basta galit lang talaga ako. Hindi naman siguro sya bading kasi maraming babae ang nagkakagusto sa kanya.

Kaya sa kanya ako nagpatulong kung paano manligaw kas Kris. Kaklase naming babae na napakaganda. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw ipakausap sakin ni Tonyo. Pero sabi nya na mabait naman daw ito. Hanggang makagraduate kami ay hindi ko nakausap at hindi ako nakapagtapat kay Kris. Siguro si Tonyo na ang bahala sakin para kay Kris.

Gusto kong magaral ng highschool kung saan magaaral si Kris para magkasama pa din kaming dalawa kahit hindi kami magkaklase.

Kronikels op Tanya

Ako nga po pala si Tanya Balatbat. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Sasabihin ko na sa inyo ang tunay kong pagkatao. Ang tunay kong pangalan ay Antonio Balatbat Jr. Tama kayo sa inyong nabasa. Lalaki ako. Sa makatuwid, beki aketch! Simula pagkabata ramdam ko na na gusto kong maging babae. Ewan ko ba kung bakit. Basta may isang araw na lang na paggising ko gusto ko na lang talaga.

Elementary ako nung una akong nagkagusto sa lalaki. Sya ay si June. Pero Junjun ang tawag namin sa kanya para may palayaw lang sya. Napakagwapo ni Junjun. Maputi, mabait, matalino at higit sa lahat, mayaman. Hindi naman sa mukhang pera ako pero kasama na din yun.

Ang tanging nakakaalam ng aking tunay na pagkatao ay si Kris. Siya ay maganda, maputi, mahaba ang buhok pero badbreath. Tinetext ko lang sa kanya ang mga sinasabi ko para hindi ako mailang .Lalong lumaki ang tiwala ko sa kanya na wala syang pagsasabihan kasi walang kumakausap sa kanya dahil na nga sa kanyang kalagayan.

Naging magkabarkada kami ni Junjun hanggang grade 6. Hindi pa nya alam na ako ay isang bading. Ayoko ipahalata sa kanya kasi baka mailang sya sakin. Bigla akong nilapitan ni Junjun. Humingi sya ng tulong sa akin. Gusto daw nya kasi ligawan si Kris. Sinabi ko lahat ng positive traits ni Kris. Hindi ko na sinabi na badbreath sya.

May tiwala ako kay kris na hindi nya papatulan so Junjun kasi alam nya na crush ko nga ito. Nakagraduate na kami ng elementare ng wala man lang akong naibigay na matinong diskarte kay Junjun para kay Kris. Malay ko ba naman kasi sa mga ganun. Hindi ko pa nasusubukan manligaw. Lalo na sa babae. Eeeew!

Ambet Adventures (Textmate)

Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Hindi ko malaman kung bakit kasi hindi naman talaga ganun kaaga ang gising ko. Madalas kasi tanghali na gising ko. Yun bang kakain na lang agad pag gising. Pero hindi ko na dapat sinabi yung katamaran ko.

ANYWAY!

Bigla ko na lang naisip na nasa akin na nga pala number ni bebet. Hindi ko alam kung anong first text ang sasabihin ko. Naiisip ko na dapat memorable. Dapat malakas ang dating. Dapat astig. Kaya naisip kong sabihin, "Good morning! :]"

Hindi ko alam kung ano magiging reply nya. O kung magrereply nga ba sya. Pero nagreply naman sya agad. Ang sabo nya "Sino to?" Nagulat ako kasi hindi nya pala ako kilala. Nagkainuman na kami pero hindi pa din nya ako kilala. Bigla ko na lang naisip na ngayon nga lang pala kami nagkatext.

Syempre, nangiti ako sa ilalim ng kumot ko. Kasi nagpapanggap pa akong tulog baka mapagluto pa e'. Ang susunod na challenge, ano ang sasabihin ko pagtapos ko magpakilala. Nakalimutan ko na kung ano sinabi ko kasiyahan. Tangna andrama ko!

Ambet Adventures (Unang tingin)

Hello there ako nga pala si AMBET. Hindi ko din malaman kung bakit ambet ang gusto ko itawag sa akin. Pero ayos na yun. Hindi masyadong maganda. Hindi masyadong panget.

ANYWAY!

Hindi tungkol sa pangalan ko ang ikukwento ko. Ito ay tungkol sa isang babae na nakita ko sa isang liga ng volleyball sa amin. Itago na lang natin sya sa pangalang BEBET. Hindi ko din alam kung bakit yan ang lumabas sa utak ko. Hindi masyadong maganda. Hindi masyadong panget. Pero parang mahalay.

ANYWAY!

Sya ay isang bata sa mukha, matanda sa edad na babae. Maganda, maganda at higit sa lahat maganda. Aaminin ko, nung nakita ko sya, naLOBAT ako. NaLOBAT first sight ako. At naging corny ng sandali. Sino ba naman ang hindi magkakagusto dun. Maliban na lang kung babae ka din. Pero kahit na! Malay mo naman diba.

Nung nanalo yung team ng mga pinsan ko -unang panalo maliban sa default- ay nagiinuman kami. Celebrate. Nagulat ako nung nakita ko sya dun. Hindi naman sya kakampi nung mga pinsan ko e'. Pero, pinsan pala sya nung kaibigan ng pinsan ko. Parang anlabo. Pero yun na yun.

Parang may tradisyon na mga pinsan ko sakin. Lahat ng mga bagong kilalang babae, nililink sakin. Pero ngayon ko lang nagustuhan yung ginagawa nila na yun. Syempre, sa una kelangan ideny mo muna. Wag ka magpapahalata. Baka sabihin nila aggre ka.

Maraming oras, araw at inuman ang lumipas. Sa isip ko, paano kami maging close? Kukunin ko ba number nya? Kakausapin ko ba sya ng kami lang? Torpe amputa. Pero buti na lang malakas ang pakiramdam ng pinsan ko. May number sya ni bebet. Binibigay nya sakin. Pero ako, ayaw ko kahit gusto ko. Labo ah. Sige na gusto ko na. At sinave ko na ang number nya. Hindi ko naman malaman kung kelan ko sya itetext.

Kinabukasaaaaaaaan...