Ambet Adventures (Just one)
Ambet Adventures (To effort or not to effort)
Chismis ni Kris (ByeTonyo)
Junjun's Journey (Boraing)
Kronikels op Tanya (Bakasyon)
Ambet Adventures (Ang Pagtatapat)
Situations...
Chismis ni Kris
Hello there! I'm looking at you while I'm saying hello there. Ako nga pala si Kris Marquez. Isang simpleng bata na gusto lang makipagkaibigan kung kanikanino. Hindi naman ako maarte. Hindi naman ako malandi. Hindi naman ako masamang tao.
Nagsimula ang aking pagiging friendly nung elementary days. Kung saan marami akong nakitang mababait na tao. Marami din akong naing kaibigan dun. Hindi ko lang alam kung bakit hindi sila makaharap sa akin pag naguusap kami. Wala namang problema sa mukha ko. Maganda naman ako.
Buti na lang nandyan si Tonyo. Kaklase ko sya simula grade 1 hanggang grade 6. Hindi ko alam kung kailan. Basta bigla na lang ako nagkagusto sa kanya. Wala na akong pinapansin na ibang lalaki kundi sya. Isang bese nya lang ako kinausap at hindi na naulit pa 'yon. Sinabi lang nya sa akin ay "Pwede kong makuha number mo? Text na lang tayo."
Naisip ko agad na baka may gusto din sakin si Tonyo kasi sya na ang kumuha ng number ko. May sasbihin daw sya sakin na sikreto nya. Matagal na daw nya yun tinatago at gusto na nya sabihin sakin. Kinikilig ako. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Papangunahan ko ba sya na magtapat? Sasagutin ko ba agad sya pag nanligaw? Pero nagkamali ako. Ang sinabi lang nya ay
"Kris, bading ako."
Biglang napahinto ang mundo ko. Nagkagusto ako sa isang bading. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero dahil gusto ko nga sya, itatago ko na lang ang kanyang sikreto. Walang makakaalam na sya ay isang bading.
Kinabukasan, dahil adik din ako sa text, tinext ko si Tonyo. Ang sabi ko,
"Goodmorning Tonyong bading hehehe."
Nagreply agad sya.
"Loka! Wag ka maingay jejeje."
Nagulat na lang bigla ako. Hindi dahil sa jejemon pala si Tonyo. Kundi dahil nai-GM ko pala iyon. Maraming reaksyon akong natanggap tungkol doon. Lagot ako kay Tonyo. Pero sabi ko sa mga kaibigan ko na wag na nilang sabihin kay Tonyo na alam na nila iyon. Malaki naman tiwala ko sa mga iyon kasi matagal na kaming magkakaibigan. Kahit hindi nila ako kinakausap ng harapan.
Junjun's Journey
Ako si June Torres.Napakagwapo kong tao. Mayaman kami. Malaki ang bahay namin dito sa America. Maraming marami kaming pera. May pagawaan kasi kami ng tiles. Ito ay ang Tiles Industry of Torres Incorporated. Wag nyo na gawan ng acronym at maski ako ay napapangitan din talaga. Hindi ko malaman kung bakit nagkaganyan ang pangalan ng company namin. Pero ayos lang yun. Mayaman pa din kami.
Minsan nga hindi ko na malaman kung paano ko gagastusin yung pera ko. Minsan, sinisigaan ko na lang. O kaya ay ginagawa kong pamunas ng pwet pag inabutan ako sa mall.
Isang araw, bigla na lang nalugi ang aming kompanya. Biglang humina ang bentahan ng tiles. Naubos ang aming mga pera. Naghihirap na kami. Lahat ng mga ariarian namin, naibenta na din. Kaya naisipan ng pamilya namin na bumalik na sa Pilipinas.
Nagaral ako sa isang public school. Naninibago ako kasi konti na lang ang baon ko. Hindi ko na nabibili ang lahat ng gusto ko. Pero dito ko natagpuan ang tunay na ligaya.
Nakilala ko ang aking matalik na kaibigan na si Tonyo. Lagi syang nandyan para sakin. Kung babae nya lang sya ay niligawan ko na sya. Pero kung bading sya, T*NG*NA! Mamatay na sya. Galit ako sa mga bakla. Hindi ko alam kung bakit. Basta galit lang talaga ako. Hindi naman siguro sya bading kasi maraming babae ang nagkakagusto sa kanya.
Kaya sa kanya ako nagpatulong kung paano manligaw kas Kris. Kaklase naming babae na napakaganda. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw ipakausap sakin ni Tonyo. Pero sabi nya na mabait naman daw ito. Hanggang makagraduate kami ay hindi ko nakausap at hindi ako nakapagtapat kay Kris. Siguro si Tonyo na ang bahala sakin para kay Kris.
Gusto kong magaral ng highschool kung saan magaaral si Kris para magkasama pa din kaming dalawa kahit hindi kami magkaklase.
Kronikels op Tanya
Ako nga po pala si Tanya Balatbat. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Sasabihin ko na sa inyo ang tunay kong pagkatao. Ang tunay kong pangalan ay Antonio Balatbat Jr. Tama kayo sa inyong nabasa. Lalaki ako. Sa makatuwid, beki aketch! Simula pagkabata ramdam ko na na gusto kong maging babae. Ewan ko ba kung bakit. Basta may isang araw na lang na paggising ko gusto ko na lang talaga.
Elementary ako nung una akong nagkagusto sa lalaki. Sya ay si June. Pero Junjun ang tawag namin sa kanya para may palayaw lang sya. Napakagwapo ni Junjun. Maputi, mabait, matalino at higit sa lahat, mayaman. Hindi naman sa mukhang pera ako pero kasama na din yun.
Ang tanging nakakaalam ng aking tunay na pagkatao ay si Kris. Siya ay maganda, maputi, mahaba ang buhok pero badbreath. Tinetext ko lang sa kanya ang mga sinasabi ko para hindi ako mailang .Lalong lumaki ang tiwala ko sa kanya na wala syang pagsasabihan kasi walang kumakausap sa kanya dahil na nga sa kanyang kalagayan.
Naging magkabarkada kami ni Junjun hanggang grade 6. Hindi pa nya alam na ako ay isang bading. Ayoko ipahalata sa kanya kasi baka mailang sya sakin. Bigla akong nilapitan ni Junjun. Humingi sya ng tulong sa akin. Gusto daw nya kasi ligawan si Kris. Sinabi ko lahat ng positive traits ni Kris. Hindi ko na sinabi na badbreath sya.
May tiwala ako kay kris na hindi nya papatulan so Junjun kasi alam nya na crush ko nga ito. Nakagraduate na kami ng elementare ng wala man lang akong naibigay na matinong diskarte kay Junjun para kay Kris. Malay ko ba naman kasi sa mga ganun. Hindi ko pa nasusubukan manligaw. Lalo na sa babae. Eeeew!