Kronikels op Tanya
Ako nga po pala si Tanya Balatbat. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Sasabihin ko na sa inyo ang tunay kong pagkatao. Ang tunay kong pangalan ay Antonio Balatbat Jr. Tama kayo sa inyong nabasa. Lalaki ako. Sa makatuwid, beki aketch! Simula pagkabata ramdam ko na na gusto kong maging babae. Ewan ko ba kung bakit. Basta may isang araw na lang na paggising ko gusto ko na lang talaga.
Elementary ako nung una akong nagkagusto sa lalaki. Sya ay si June. Pero Junjun ang tawag namin sa kanya para may palayaw lang sya. Napakagwapo ni Junjun. Maputi, mabait, matalino at higit sa lahat, mayaman. Hindi naman sa mukhang pera ako pero kasama na din yun.
Ang tanging nakakaalam ng aking tunay na pagkatao ay si Kris. Siya ay maganda, maputi, mahaba ang buhok pero badbreath. Tinetext ko lang sa kanya ang mga sinasabi ko para hindi ako mailang .Lalong lumaki ang tiwala ko sa kanya na wala syang pagsasabihan kasi walang kumakausap sa kanya dahil na nga sa kanyang kalagayan.
Naging magkabarkada kami ni Junjun hanggang grade 6. Hindi pa nya alam na ako ay isang bading. Ayoko ipahalata sa kanya kasi baka mailang sya sakin. Bigla akong nilapitan ni Junjun. Humingi sya ng tulong sa akin. Gusto daw nya kasi ligawan si Kris. Sinabi ko lahat ng positive traits ni Kris. Hindi ko na sinabi na badbreath sya.
May tiwala ako kay kris na hindi nya papatulan so Junjun kasi alam nya na crush ko nga ito. Nakagraduate na kami ng elementare ng wala man lang akong naibigay na matinong diskarte kay Junjun para kay Kris. Malay ko ba naman kasi sa mga ganun. Hindi ko pa nasusubukan manligaw. Lalo na sa babae. Eeeew!
0 Response to Kronikels op Tanya
Post a Comment