College Days (Intramuralssssss)

Walang pasok, walang pera. Hiram pagpilian. Pero hindi lang ako ang ganyan. Lalo pag intrams. Nakakatamad talaga pumasok. Pwera na lang kung player ka o may chx ka na dadalawin sa school. E' ako wala kaya nagpapabulok na naman ako dito sa bahay. Wala na naman magawa. Pero pag inutusan ako para may gawin, hindi ko naman ginagawa. Labo ah.

Papapasukin ka ng mga prof para pumirma sa attendance. Yun lang ang kapalit ng 80php na pamasahe ko. Kelangan pa gumising ng maaga para dun. Pero nung may pasok naman, sila naman ang wala. Sabi nga ng mga classmate ko, "Hindi ka makakakuha ng 5.0 sa isang absent lang." What an inspiring quote. Pero totoo naman. Walang mawawala. Hindi ka mahuhuli sa lecture dahil lang hindi ka nakapirma sa attendance.

Tae katagal magdownload ng Visual Basic amp. ANYWAY!

Balik sa intrams. Makakakita lang ako ng mga tukso pag pumasok ako. Mga babaeng pang-gabi ang suot kahit umaga pa lang. Mga babaeng nagsusuot pa ng shorts pero hindi naman na nakikita sa sobrang igsi. Mga babaeng nagsusuot ng hyper-ultra-super-mega Vcut na shirt tapos magagalit sa mga lalaki pag nababastos daw sila. Ade sana hindi ka nagsuot ng ganun para hindi ka mapansin.

Bakit walang lalaki dun sa mga napapansin ko? M2M? Eeeeew!

Walang ngang pasok, napakadami naman gagawin. Assignment sa Visual Basic. Hanggang ngayon wala pa akong VisualBasic. Painting sa Humanities. Hanggang ngayong may plastic pa yung canvas ko. Wala pa din akong oil paint amp.

Foundation day lang talaga hinihintay ko sa lahat ng okasyon sa university namin.

CrushCrushCrush

Nung unang panahon, panahon ng pagkakakilala, may isang text message na nahirapan akong sagutin.

"Sino ba crush mo?"

Sasabihin ko ba ang totoo para magkaalaman na. O magsisinungaling ako para hindi mapahiya? Wala na ko nagawa kundi umamin na lang. Mapahiya man o kung ano man, maganda na yung alam na nya. Ang naireply ko na lang ay, "Ikaw :]" Kelangan may smiley para kung mapahiya man, sabihin ko na lang na joke yun. Ibinalik ko sa kanya ang tanong nya. Ang sabi nya, AKO din DAW crush nya. Hindi na ako nagulat kasi alam kong pogi ako. Pero syempre joke lang yun.

Madaming rason ang pumasok sakin kung bakit ganun ang sinabi nya. Okay. Himay-himayin natin.

1. Para hindi ako mapahiya.
- Para lang hindi ako madismaya na hindi naman ako ang crush nya. Pampalubag loob kumbaga.

2. May masabi lang.
- Baka wala naman talaga sya maisagot. Ako ang nagtanong kaya ako na lang din ang isinagot. Wala lang maisip na ibang pangalan.

3. Paulit ulit lang.
- Dahil paulit ulit na pangalan ko ang nababasa nya sa inbox, yun na lang ang nasabi nya.

4. Yun talaga ang totoo.
- Eto ang gusto ko!

Nawalan na naman ng meaning ang CRUSH sakin. Paulit ulit ko nababasa amp.

Dahil mabait ako sayo...

Ang mga susunod na iyong mababasa ay Rated SPG. Ito ay maaring maglaman ng iba’t ibang klaseng panglalait sa isang panget na taong blah blah blah.

Sa una, ayos ka pa naman. Ayos ka pa naman sa una. Sa una, sa una, sa una. SA UNA!

Hanggang umpisa ka lang. Hanggang intro ka lang. Ano? Yun lang ba ang iyong alam? Wag ka magalala hindi kita ramdam. Kahit pakielaman kita, walang mangyayari. Dahil ganyan ka na talaga pare. Siguro hindi kita dapat tinawag na pare kasi hindi naman talaga. Wala akong pare na mukhang tanga. Hindi ko sinasabi na mukhang tanga ka. Ayoko na ako magsabi nun, bahala na sila.

Wala akong pakielam sa nararamdaman mo. Hindi ko lang napigil sarili ko kaya nasabi ko yun sayo. Hindi lang ako ang naiirita sayo. Madami kami. Gusto mo pagtanong mo. Ang problema lang, masyado kang pikon. Ang pagkatanga kasi hindi iniipon. Galit na galit ka agad hindi ka na mabiro. May problema ka ba sakin ha unggo? Hindi ka namin ginagaya dahil sikat ka. Ginagaya ka namin para hindi lang ikaw ang magmukhang tanga.

Balita ko pa nga balak mo akong suntukin. Bakit hindi mo nagawa? Takot ka ba sakin? Malamang hindi kasi alam mong lugi ako. May masisira pa sa mukha ko. Pano na yung sayo? Dapat sinabi mo sakin. Pagbibigyan naman kita e’. Kaso lang ayoko talaga lumapit sa mukhang tae. Nilalapitan naman kita kaya hindi ka ganun. Alam mo namang mapagbiro ako kaya joke lang yun.

Okay ititigil ko na ang pagsasabi ng tanga. Dahil hindi ka naman talaga tanga. Oh wag ka maniwala, dahil ako’y palabiro lang talaga. Hindi ako ang may problema sayo. Baka ikaw ang may problema sa akin pare ko. Wag mong seryosohin mga pinagsasabi ko. Kasi alam kong hindi mo naman talaga naiintindihan lahat ng ‘to. Gusto mo i-google translate mo pa. Kaso paalala ko lang, walang filipino to bisaya ah.

Tatapusin ko na ang mga gusto kong sabihin sayo. Wala naman talagang kwenta ‘to. Parang ikaw. Hindi parang ikaw na walang kwenta. Parang ikaw na gusto kong tapusin na!

Kronikels Op Tanya (Basketball)

Matagal tagal din bago ako nakapagkwento. Busy kasi sa pagaaral e’. Lalo na at may distraction. Lagi na lang kasi ako natutulala kay Junjun. Pero mas maituturing ko yun na inspiration.

Oo nga pala. Naging magkaklase kami ni Junjun. Pero sa inaasahang panget na pagkakataon, kaklase din namin si Kris. Naging mas close na silang dalawa ngayon kasi kaming tatlo lang ang magkakakilala simula nung elementary. Nahiwalay lang ako sa kanila dahil sa mga babaeng laging nakapalibot sa akin. Hindi na ako tuloy makasama sa kanila. Nakakaimbyerna! Nandidiri ako sa mga babaeng yun. Hindi tayo talo mga loka! Parehas tayo ng hanap. Parehas tayo ng pangangailangan.

August na. Buwan ng wika. Kaya malapit na din ang Intramurals. Kasali si Junjun sa basketball. Kahit hindi ako marunong, sumali na din ako para makita ko ang mga muscles. Nakakaloka talaga ang katawan nya. Nanonood lang muna ako sa practice nila. Nakikita ko na pag nakakashoot ang isa, may butt slap, chest bump at yakapan pa. Sinabi ko sa coach na ipasok na ako para magawa ko din yun. Excited na ako! Nakashoot ako ng isa. Ako na mismo ang lumapit kay Junjun para gawin nya sa akin yun. Nung papatalon na ako para sa chest bump, butt slap pala ang gagawin nya. Kaya pagtalon ko ay nasalo nya ako. Para akong prinsesa sa ginawa nyang iyon. Nakataas pa ang dalawang kamay ko na parang lilipad. Paikot-ikot pa kami. Nakapikit pa ako. Pero pagdilat ko, apir lang pala ginawa nya. Bigla ko na lang naisip na kelangan ko magtiis ng konti. Baka mahalata ang pagkabakla ko.

May isang lalaking nagtanong sa akin ng hindi ko inaasahang tanong.

“Brad, bading ka ba?”

Nagulat ako kasi baka alam na nya ang totoo. Pero sabi ko na lang sa kanya,

“Tamaan na ng kidlat ang bading.”

Kasi alam ko naman na hindi kikidlat nun kasi tirik na tirik ang araw kaya safe ang lola mo!

"Wala kang karapatang magreklamo na mabaho. Kung ikaw na lang sa bahay nyo ang hindi naliligo" -WalangPamagat

Wag mo isisi sa iba ang lahat ng panget na nangyayari kung ikaw mismo ang dahilan kung bakit ganun ang nangyayari.

Ambet Adventures (Ang nakaraan...)

Para sa masa

Ito ay para sa mga masa

Sa lahat ng spectator sa comp shop habang may kachat ako.
- Nanay ko kachat ko! Ano? Ichichismis mo ko? Mag-in ka tapos chat mo din nanay mo.

Sa lahat ng paimportanteng customer sa tindahan.
-Isipin nyo muna bibilhin nyo bago kayo pumunta sa counter. Shampoo lang bibilhin ko ayaw mo pa ako pasingitin. E’ nagiisip ka pa naman ng bibilhin mo.

Sa lahat ng katabi ko sa front seat ng jeep.
- Dalawahan ‘to brad. Usog ka konti kasya tayo promise. Bayad ako ng buo tapos kalahating pwet ko lang nakaupo. Lugian amp.

Sa lahat ng kasabay namin bumili sa fishbolan.
-Pagkakuha, atras na muna. Hindi yung tatambay ka sa harap ng lutuan. Nakabox out ka pa hindi naman tayo nagbabasketball. Tapos hindi pa sigurado kung tama nga binabayad mo.

Sa lahat ng pasaherong maaarte.
-Kung ayaw mo ng masikip, sa bukid ka. Kung ayaw mo ng mainit, sa ref ka. Kung ayaw mo ng maingay, sa langit ka. Kung ayaw mo ng mabaho, maligo ka!

Walang bagyo, walang pasok

Aug. 7

Dapat matagal ng ganto. Hindi katulad dati na ang lakas lakas na ng ulan e’ may pasok pa din hanggat walang signal number sa lugar nyo. Lalo sa college students. Hanggat hindi signal number 3, may pasok pa din. Pero minsan walang mga prof kasi dahilan malakas ang ulan. Baha daw sa kanila. Pero pag ang estudyante ang hindi nakapasok, patay kang bata ka! Self-study ka brad. Tapos dagdag pa sa absent mo. 4 na absent na lang drop ka na.

Buti ngayon iba na. Ang mga municipalities na ang bahala kung gusto nila magcancel ng klase. O kaya yung mga schools and universities na mismo. Gaya ngayon, yung president na ng university namin ang nagtetext pag walang pasok.Uulitin ko, President ng university namin ang nakatag sa message na kumakalat na walang pasok. Tapos tatanong mo pa kung totoo? Ayaw mong maniwala sa President nyo. Tapos galing pa mismo sa officer ng college nyo yung message na yun. Kung ayaw mo maniwala, sige pumasok ka para ikaw na mismo ang makafeel na wala talaga. Tsaka on time lagi. 4am pa lang, malalaman mo na kung may pasok o wala. Hindi katulad dati na sa tv ka lang maghihintay ng announcement. Tapos kahihintay mo sa pangalan ng school nyo e’ nauubos na oras mo sa paghahanda pagpasok. Ang masaklap pa nun, hindi mo nakita yung hinihintay mo. Ibig sabihin may pasok nga. Pero 7am or 8am na kaya late ka na. Hindi ka na nakapasok. Self-study ka na naman brad.

Tsaka may announcement na din sa Facebook. Pero hindi ko makikita yun pag mga ganitong panahon kase nakakatamad mag-online pag umuulan. Mas masarap pang maghintay na lang ako ng text galing sa mga butihin kong classmate kung may pasok o wala kesa mag-online ako tapos naghihintay lang din ako sa wala.

P.S.
Pag sinabing walang pasok, wala talaga. Lalo kung may pangalan na nakalagay sa text. Maiinis nyo pa si Kevs e’.

College Days (Sayaaaaang)

Aug. 1

“Gudam, due to blah blah blah wala tayong pasok. –Ma’am P.E.”

GUDAM? Binasa ko agad kasi baka importante. Nabasa ko na lang na wala kaming pasok. Positive and negative thoughts ang pumasok sa isip ko. Positive, YES! Buti na lang walang pasok kasi nakalimutan ko yung swimming cap ko. Negative, NO! 7am pa lang nasa school na ako e’ 10am pa next na subject. Pero okay lang. Hindi ko na lang itetext yung iba kong classmate na walang pasok para pumasok na din sila.

Habang naghihintay para sa next subject, nag Mcdo muna kami. Walang magawa e’. Kesa naman 3hours lang kami manuod ng nagpipiko. Okay sana kasi mga girls ang mga nagtatalunan dun. Kaso ewan ko kung bakit hindi ako makatingin ng derecho sa kanila. Habang nasa Mcdo, bumili kami ng fries. Dahil mayaman kami, large fries ang binili namin. 1 large fries na paghahatian ng 3 tao. Yung isa napilitan lang magbigay kasi kulang pera namin pag dalawa lang kami. Kwentuhan kwentuhan blah blah blah. Hindi ko na ikukwento dito yung pinagusapan namin. Alam na nila yun. Kung binabasa nila ngayon ‘to, malamang may mga ngiti sila ngayon sa kanilang mga labi.

Boring na magpa-aircon lang. Kelangan maghanap ng mapaglilibangan. Balik muna ng school para pumasok sa next subject ng biglang may bad news na naman kaming nasagap. Wala daw klase sa subject na yon. May trangkaso daw ang prof. Anak ng! Ade 3pm pa klase? Oo. Ganun na nga. Kelangan pa namin maghintay ng 5hours para sa next subject. Kelangan na talaga maglibang.

Tinipon muna namin ang barkada para magvideoke na lang. Wala ng pakielamanan ng boses. Basta yun ang trip namin. 1hour ang naubos namin dun. Tapos computer. Hindi ko na tanda kung nakailang oras kami dun. Pero madalas 1hour lang kasi nga mayayaman kami. Ayaw lang namin talaga maubos agad yun. Pagkatapos nun, another bad news. Pangatlong bad news sa pangatlong subject sa pangatlong araw ng linggo. Wala na naman daw pasok. May seminar daw yung prof namin. 7am hanggang approximately 1pm nasa school kami naghihintay, tapos walang pasok buong araw? Kung hindi lang talaga major yun hindi ko na papasukan. Pero kung math yun, kahit ilang oras ako maghintay okay lang.

Moral lesson: Pag sinabing walang pasok, wala talaga. Kahit sa Obando lang sabi nya.