Kronikels Op Tanya (Basketball)
Matagal tagal din bago ako nakapagkwento. Busy kasi sa pagaaral e’. Lalo na at may distraction. Lagi na lang kasi ako natutulala kay Junjun. Pero mas maituturing ko yun na inspiration.
Oo nga pala. Naging magkaklase kami ni Junjun. Pero sa inaasahang panget na pagkakataon, kaklase din namin si Kris. Naging mas close na silang dalawa ngayon kasi kaming tatlo lang ang magkakakilala simula nung elementary. Nahiwalay lang ako sa kanila dahil sa mga babaeng laging nakapalibot sa akin. Hindi na ako tuloy makasama sa kanila. Nakakaimbyerna! Nandidiri ako sa mga babaeng yun. Hindi tayo talo mga loka! Parehas tayo ng hanap. Parehas tayo ng pangangailangan.
August na. Buwan ng wika. Kaya malapit na din ang Intramurals. Kasali si Junjun sa basketball. Kahit hindi ako marunong, sumali na din ako para makita ko ang mga muscles. Nakakaloka talaga ang katawan nya. Nanonood lang muna ako sa practice nila. Nakikita ko na pag nakakashoot ang isa, may butt slap, chest bump at yakapan pa. Sinabi ko sa coach na ipasok na ako para magawa ko din yun. Excited na ako! Nakashoot ako ng isa. Ako na mismo ang lumapit kay Junjun para gawin nya sa akin yun. Nung papatalon na ako para sa chest bump, butt slap pala ang gagawin nya. Kaya pagtalon ko ay nasalo nya ako. Para akong prinsesa sa ginawa nyang iyon. Nakataas pa ang dalawang kamay ko na parang lilipad. Paikot-ikot pa kami. Nakapikit pa ako. Pero pagdilat ko, apir lang pala ginawa nya. Bigla ko na lang naisip na kelangan ko magtiis ng konti. Baka mahalata ang pagkabakla ko.
May isang lalaking nagtanong sa akin ng hindi ko inaasahang tanong.
“Brad, bading ka ba?”
Nagulat ako kasi baka alam na nya ang totoo. Pero sabi ko na lang sa kanya,
“Tamaan na ng kidlat ang bading.”
Kasi alam ko naman na hindi kikidlat nun kasi tirik na tirik ang araw kaya safe ang lola mo!
0 Response to Kronikels Op Tanya (Basketball)
Post a Comment