Walang bagyo, walang pasok

Aug. 7

Dapat matagal ng ganto. Hindi katulad dati na ang lakas lakas na ng ulan e’ may pasok pa din hanggat walang signal number sa lugar nyo. Lalo sa college students. Hanggat hindi signal number 3, may pasok pa din. Pero minsan walang mga prof kasi dahilan malakas ang ulan. Baha daw sa kanila. Pero pag ang estudyante ang hindi nakapasok, patay kang bata ka! Self-study ka brad. Tapos dagdag pa sa absent mo. 4 na absent na lang drop ka na.

Buti ngayon iba na. Ang mga municipalities na ang bahala kung gusto nila magcancel ng klase. O kaya yung mga schools and universities na mismo. Gaya ngayon, yung president na ng university namin ang nagtetext pag walang pasok.Uulitin ko, President ng university namin ang nakatag sa message na kumakalat na walang pasok. Tapos tatanong mo pa kung totoo? Ayaw mong maniwala sa President nyo. Tapos galing pa mismo sa officer ng college nyo yung message na yun. Kung ayaw mo maniwala, sige pumasok ka para ikaw na mismo ang makafeel na wala talaga. Tsaka on time lagi. 4am pa lang, malalaman mo na kung may pasok o wala. Hindi katulad dati na sa tv ka lang maghihintay ng announcement. Tapos kahihintay mo sa pangalan ng school nyo e’ nauubos na oras mo sa paghahanda pagpasok. Ang masaklap pa nun, hindi mo nakita yung hinihintay mo. Ibig sabihin may pasok nga. Pero 7am or 8am na kaya late ka na. Hindi ka na nakapasok. Self-study ka na naman brad.

Tsaka may announcement na din sa Facebook. Pero hindi ko makikita yun pag mga ganitong panahon kase nakakatamad mag-online pag umuulan. Mas masarap pang maghintay na lang ako ng text galing sa mga butihin kong classmate kung may pasok o wala kesa mag-online ako tapos naghihintay lang din ako sa wala.

P.S.
Pag sinabing walang pasok, wala talaga. Lalo kung may pangalan na nakalagay sa text. Maiinis nyo pa si Kevs e’.

0 Response to Walang bagyo, walang pasok

Post a Comment