Unang araw ng katamaran

Maulan. Madilim pa kahit 7am na. May pasok dapat agad ako ng 7am pero hindi ako pumasok. Ang lakas lakas ng ulan tapos papasok pa ako sa p.e. namin na swimming? Kalokohan. May konting katamaran akong nararamdaman. Pero sige na, may katamaran talaga akong nararamdaman noon na hindi konti. Wala akong kakilala ko na magiging classmate ko. Lahat sila hindi ko kilala. Hindi din nila ako kilala. Kaya kwits lang.

Maaga ako umalis ng bahay kahit hindi ko naman talaga ginagawa sa normal na klase. Bagong professor. Bagong classmate. Bagong taon. Bagong buhay. Tsaka matumal kasi ang byahe lalo alanganin ang pasok ko na 10am. Hindi ko pa napanood yung NBA. Ayos lang panalo naman OKC noon.

Wala akong clue kung sino mga classmate ko nung pag akyat ko sa 4th floor. Malayo ako sa room namin para hindi nila malaman kung classmate nga nila ako. Nagabang lang ako na pumasok yung prof namin para diretso na ako pagpasok. Wala ng interview pa na mangyari sa labas ng room. Marami akong nakikitang mga babae na gusto ko maging classmate. Syempre piling pili ko yun. Sa 24 na babae na nakita kong gusto kong maging classmate, swerte pa ako at may 3 akong nahulaan. Hindi katulad dati na wala man lang.

Pagpasok sa room, naninibago ako kasi tahimik ako. Hindi ako sanay ng ganun pag nakaupo na sa room. Madalas nagsisisigaw na ako sa loob. Kung ano ano na sinasabi ko. Pero ngayon hindi. Parang hindi ako yung pogi na yun. Hindi ako nagsalita simula nung pagalis ko sa amin hanggang makauwi ako. Pero sa isip ko kung ano ano na sinasabi ko.

Dapat may pasok pa kami ng 3pm nun. Pero 12pm pa lang pinalabas na kami. 3 hours vacant. Umuulan kaya nakakatamad. Pero nakakatamad naman talaga kahit hindi umuulan. Tinamaan na ako ng antok kakahintay. Naisip ko agad na umuwi na. Hindi ko na inisip na maghintay pa ng matagal lalo ako lang magisa. Kaya umuwi na ako.

Hindi ko na itutuloy kwento ng unang araw ko sa 3rd year. Nakakatamad na e'.


Star

Meron ngayon sa facebook na lalagyan mo ng star yung friend mo tapos makikita mo na ang mga nangyayari sa kanya ng hindi nya nalalaman. Parang stalker lang ang datingan mo. Pero syempre patok yan sa mga taong may lihim na pagtingin sa friend nila sa facebook. Good news yun syempre. Pero dahil good news yun, meron ding bad news.

Ang bad side naman nun ay pag nakita mo na masaya sya sa iba. Yung parang nagpapacute ang mga status nya sa facebook pero hindi naman sayo. Masasaktan ka lang. Yung tipong masaya kayo na naguusap sa cellphone pero mas masaya pala sya pag iba ang kausap nya. Mas gugustuhin mo pang hindi malaman kesa masaktan ka ng katotohanan.

Hindi ko na sana ipopost 'tong teleserye post ko pero wala lang talaga ako magawa t*ngna.

Kronikels op Tanya (First day of school)

Haaaay! Kaloka ang bakasyon. Lagi lang akong nakatambay sa harap ng tindahan kasama ang mga kaibigan kong boys. Hanggang ngayon ay hindi padin nila alam na ako ay isang beki. Magaling akong magtago. Pero syempre minsan hindi ko maiiwasan na ilabas yun sa mga chancing chancing na ginagawa ko sa kanila. Aaaaay! Kinikilig tuloy ako hihihi.

Unang araw ng klase. Hindi ko alam kung magiging kaklase ko pa ba si Junjun. Kasi simula nung nagpunta sila ng bora kasama ang sister kong si Kris ya hindi pa sila bumabalik ulit. Nagaalala na ako sa kanya. Pero nandun naman si Kris at alam kong aalagaan nya ng mabuti si Junjun.

Hinanap ko na ang room ko. Nagulat na lang ako ng makita ko ang mga pangalan ni Kris at ni Junjun sa listahan ng isang room, pero pangalan ko wala. Tinignan ko lahat ng listahan sa bawat room pero wala talaga ang pangalan ko. At pagpunta ko sa isang room, may nakita akong isang matandang nakaputi. Parang ermitanyo na ang itsura nya at namumungay ang mga mata.

Matanda: Ano ang ginagawa mo dito iho!
Tonyo: Ah titignan ko lang ho ang pangalan ko kung nasa listahan ako.
Matanda: HINDI KA PWEDE DITO!

Galit na sabi ng matanda.

Tonyo: Bakit naman po?
Matanda: Hindi mo ba alam na CR ito! Naglilinis pa ako dudumihan mo na agad!

T*ngna unang araw pa lang napahiya na agad ako. Janitor pala ang matanda at cr 'yung napuntahan ko. Kaya pala masyadong maliit para sa isang classroom.

Hindi ko pa din makita ang pangalan ko. Nagpunta na ako sa lahat ng room pero wala. Maya maya may tumunog na familiar na kanta sakin.

"And if forever's not enough for me to love you. I'd spent another lifetime baby. If you ask me to there's nothing I won't do. Forever's not enough for to love you soooooo."

Ringtone ko nga pala yun. Idol ko kasi talaga si SarahG. Tumatawag pala mama ko.

Tonyo: Hello ma?
Mama: Nasa school ka na ba?
Tonyo: Oo ma. Kaso hindi ko makita pangalan ko sa mga list of students kaya hindi ko alam kung ano room ko.
Mama: G*go hindi mo talaga makikita pangalan mo dyan. Hindi ka naman nagenroll diba? Puro ka lang tambay.
:toot toot toot:

Binaba ko na ang tawag ni mama. Bigla kong naalala na hindi nga pala ako nagenroll. Nawala sa isip ko. Nalibang ako sa mga boys. Yan na naman kinikilig na naman ako pag boys ang usapan.

Nagpunta na ako sa principals office para magenroll. Pogi pala principal dito. Akala ko lahat ng principal mga babae. Pero dito pogi. Tsaka na ako magkukwento ulit. Naalala ko na naman ang mga boooooys!

Worst Feelings

1. Text ka ng text hindi ka pa pala naka-unli.

2. Naghihintay ka ng reply hindi pala nagsend text mo.

3. Natatae ka na pero may tao pa sa cr.

4. Pag may importante kang tatapusin tyaka ka tatamarin.

5. Kung kelan kelangan na matulog tyaka ka magkakaroon ng energy.

6. Pagkapatay mo ng computer tsaka mo maiisip kung ano talaga dapat gagawin mo.

7. Kung kelan tapos ka na kumain tsaka ilalabas ang masarap na ulam.

8. Kung kelan nagtoothbrush ka na tsaka magaaya ng midnight snack.

9. Kung kelan matutulog ka na tsaka madami magtetext sayo.

10. Namimiss mo ang isang tao pero wala kang magawa :[

TURNOFF 101

MGA BABAENG NAKA HIGH HEELS

- Hindi ko alam kung bakit ayoko ng mga babaeng ganun. Yung mga classmate ko gustong gusto yung mga ganun. Habang nakatambay kami nagaabang ng next subject, nagaabang kami ng mga babaeng nagdadaan. Basta ganun talaga kami lagi. Tuwing may mga babaeng nagdadaan, tuwang tuwa sila pag naka high heels. Yung sintaba lang ng lapis tapos napakataas talaga. Hindi ko alam tawag sa ganun. Basta alam ko heels. Para kasing hirap na hirap na sila pero gusto pa din nila isuot yun kasi parang wala lang. Pampachix lang.

Mas gusto ko yung simple lang. Kahit hindi ganun kataas basta hindi nagheheels. Malakas tama sakin nung mga naka flats lang. Yung mga naka era, slip-on o yung old school na shoes. Basta yun na yun.

Wala lang talaga ako mapost.

Ambet Adventures (Me Miss You)

Alam kong mangyayari ang pagkakataon na ito. Yung wala na kami masyadong communication. Hindi ko na alam kung ano nangyayari sa kanya. Pero kahit na isipin ko sya lagi, wala din talab yun kasi hindi naman nya alam na ganun ginagawa ko. Tsaka hindi naman kami. Ano nga naman pakielam nya e' may sarili din syang buhay. Ako lang naman 'tong nakikigulo kahit hindi nya gusto. Actually, hindi naman talaga ako nanggugulo. Pero parang ganun na din yata yun. T*ngna gumulo na lalo. Concern ako kahit hindi kami. Nagaalala ako kahit hindi kami. Teka lang, tinagalog ko lang diba? Okay basta yun na yun.

Ganun naman talaga siguro dapat gawin ng isang lalaking may gusto sa babae. Kahit hindi kayo, iparamdam mo sa kanya na mahal mo sya as girlfriend kahit hindi mo naman talaga ssya girlfriend. Pero paano ko naman gagawin yun? Sa text ko lang sya nakakausap tapos ngayon busy na sya. Wala akong magagawa kung hindi na nya ako tinetext kasi hindi naman nya obligasyon na itext ako. Siguro maghintay na lang ako ng weekend kung wala na sya ginagawa.

Sabi nga sa kanta, "Naghihintay, kahit parang walang pagasa." Pero syempre hindi ako mawawalan nun. Sabi din kasi nila, hanggat may buhay may pagasa. E' naka unli-lives nga ako e'. Wala ka na magagawa. Until she say ENOUGH! Ayoko sabihin nya na tama na, tigilan mo na, ayoko na. Gusto ENOUGH para sosyalin ang dating kahit friendzoned na ako. Parang sa teleserye lang.

One of The Boring Dayssss

Ang saya ng araw na 'to! Pero Syempre joke lang yun.

Nagsimula na ang pasukan kaya wala na ako makausap. Pati katext ko may pasok na din kaya hindi na makapagreply. Katangi tanging katext nawala pa. Ang tagal naman kasi ng pasukan namin. Hindi naman sa excited ako pero bored na talaga dito sa bahay.

Gigising ako manonood ng NBA. Pagtapos, Showtime. Tapos nun, matutulog na naman ako. Pag gising, maghahanap ng makakaen. Akala nyo maganda araw araw ko kasi wala akong ginagawa. Sige kung gusto nyo palit tayo. Mas gusto ko pa yung may ginagawa kesa sa ganito. Pero pag may gagawin naman ako, tinatamad na ako. T*ngna anlabo talaga. Tapos wala na ako maisip na ilagay dito sa blog ko.

Gusto ko na pumasok. Incoming 3rd year na ako pero parang wala pa ako natututunan. Wala akong maisusulat sa resume ko neto pag nag-aaply na ako. Gaya ng sinasabi ko every school year, kelangan magseryoso na sa pagaaral. At syempre hindi ko yun nagagawa.

Hindi ako adik sa dota. Hindi ako marunong magtetris. Wala din ako girlfriend. Nanliligaw pa lang ako. Pero hindi kami parehas ng school kaya hindi yun matuturing na hindrance sa pagaaral ko. Ang kalaban ko lang talaga ay ang magiting, malakas, at makapangyarihang katamaran. Lalo na malayo pa bahay namin hanggang sa school. Isa't kalahating oras ang byahe makapasok lang ako. Kaya ayun aantok antok ako sa sasakyan pag papasok na. Kaso iba na mga kaklase ko ngayon. Sana lang harmless sila.

Lasinggero. Tanggero.

Tanggero: Braaaaad! May tanong ako sayo.
Lasinggero: Ano na naman yuuuuuuun!
Tanggero: Ano ang tagalog ng PIG?
Lasinggero: Ano akala mo sakin, tanga? Lasing? Syempre alam ko yan.
Tanggero: O ano nga. Dami mo pang satsat dyan. Hindi mo naman talaga alam.
Lasinggero: Teka lang! Iniisip ko pa. Naitanong na din sakin dati yan e'. Parang pangalan bulaklak ang sagot.
Tanggero: Uulitin ko. Ano ang tagalog ng PIG?
Lasinggero: Yun! Alam ko na.
Tanggero: Ano nga! Paulit ulit ka lang gago.
Lasinggero: ROSAS! O ano ka ngayon akala mo hindi ko alam ah. Itagay mo ngayon 'tong tagay ko.
Tanggero: HAHAHAHAHAHA! Gago PIG. Baboy. Hindi PINK! Sino tanga satin ngayon?
Lasinggero: Bukas na lang natin ubusin 'to. Tinetext na ko ni misis. Gawin ko lang daw light.

I saw what you did there


Tangna ako pala yoooooooooon!

Ambet Adventures (I can do what I want)

Katulad nga ng mga naikwento ko dati, nagtapat na ako kay Bebet. More than 2 times ko na ginawa yun. Pero ngayon sinubukan ko ulit. Hindi ko alam kung bakit napunta kami sa usapang paasa. Simula nun, bago mawala ang pagkakataon na magsabi ulit ako sa kanya, tinanong ko sya ulit kung pwede ako manligaw. And it goes like this.

Ambet- Dahil 'yan na ang napaguusapan natin, tatanungin kita ulit, pwede ba manligaw? :] Segueeeeee haha.
Bebet- Seryoso? Ano ba mapapala mo pag ganun? Haha.
Ambet- Seryoso kase ako -_- Mapapala ko? Chance :]
Bebet- Ganooooon? Baka kasi mapaasa kita e.
Ambet- Atleast I tried.
Bebet- True :p sure ka ah?
Ambet- Zuuuuure. Gaya nga ng sabi ko, hanggat walang ENOUGH :]
Bebet- Sige. You may do what you want :)

At dyan pa lang nagsisimula ang totoong adventure ko.

Dear Girls,

Ang PICK UP LINES ay hindi simpleng biro lang. Ito ay totoong nararamdaman namin na hindi namin masabi ng seryoso sa inyo. Kaya sana lang wag yung punchline ang isipin nyo. Isipin nyo yung laman nung punchline. Namnamin nyo. Para malaman nyo kung ano talaga gustong sabihin namin sa inyo.

Pick up lines- Saying what you want to say in a clever and sweet way that girls cannot easily get what you mean.



Sincerely,
Boys

Heater. Heater. Bestfriend HEATER!

Ang isa sa mga pinakamahirap gawin sa Baguio bukod sa tawad ay ang pag ligo.

Pag gising ko kanina, wala pang nakakaligo kahit ako na ang huling nagising. Lagot na kako. Baka walang heater. Kanya kanyang init na naman ng tubig. At para sa mga mayayabang, rekta ligo na kahit malamig. Alam kong tinitiis lang nila yung lamig na yun. Mas malamig pa nga yung tubig sa gripo kesa sa tubig sa ref.

Hindi pa ako nakakapag-toothbrush, pagligo ko na agad ang nasa isip ko. Kahit minsan hindi ako naliligo, pero syempre iba pa din yung may lakad kayo. Pinapaligo na ako ng ermat ko, hindi ko pinansin. Naglibot-libot muna akong magisa sa labas ng tinutuluyan namin. Kahit nagtatago lang naman talaga ako sa sasakyan makatakas lang sa ligo.

Nung nakita kong nakaligo na utol ko, pumasok na din ako at nagayos na. Hindi nga nakakaligo yun kahit hindi malamig e' yun pa kayang malamig. Baka kako nagpainit ng tubig to. May tira sana ako.

Nung umihi ako sa cr, May nakita ako na kung anong nakakabit sa shower. Malamang heater na nga 'yun. Pinagexperimetuhan ko. Pinihit ko ng pinihit yun nakasabit na yun. Pero walang nangyayari. Baka nasira ko na. Walang lumalabas na tubig o kahit anong reaksyon ang ginagawa nya. Nung lumabas ako, bakit kako may nakagamit pa. Tangna tanga ko talaga. Yun lang pala yung nagtitimpla kung gaano kainit yung tubig. May pihitan pa pala na seperate yung sa shower.

Pagkaligo ko, hindi ko na pinatay yung shower at baka kung ano pa magawa ko sa kanya.

Baguio Trip (Day 1)

Unang araw. Tangna hirap magtype pag inaantok na.

Kahapon pa lang hindi na sila mapakali sa mga dadalin nila. Pass 10pm na nga hindi pa din ako nakakapagimpake e'. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagiging excited sa mga gantong bagay. Kahit anong outing parang wala akong pakiramdam. Ngayon nga nandito na ko sa Baguio parang mas gusto ko pa din samin. Kung hindi lang talaga 'to last outing na kasama mga relatives ko sa motherside, hindi talaga ako sasama.

Nagising lang ako kaninang umaga sa mga kaingayan nila. Wala pa talaga akong balak bumangon lalo't masarap pa matulog. Bigla na lang may nagsabi na kakain na. Hindi na ako nagdalawang isip. Toothbrush. Hilamos. KAIN NA!

Habang nasa byahe, magdamagan akong kumakanta ng kahit anong tugtog sa radyo o sa phone ng utol ko. At iyon na. Umulan na ng malakas. Yun talaga ang balak ko para hindi matuloy 'tong lakad na 'to. Bait ko diba. Pero tuloy pa din. Palpak ang aking plano. Kaya nanahimik na lang ako.

Naiirita ako sa mga kasama ko sa sasakyan. Palibahasa halos puro bata. Ang iingay. Puro reklamo na antagal naman daw. Bakit daw hindi bilisan ng driver. Baka daw naliligaw na kami. Kaya pinilit kong matulog. Pero hindi pa din ako nakatulog kasi naaalog ako ng sasakyan.

5hours din ang byahe namin. Simula nung lumiko-liko na daan, eto na. Malapit na kami. Natataranta na mga kasama ko kasi daw malipat na nga. Mga gago! malayo pa din yan. Nahihilo lang kayo kaya akala nyo malapit na.

Natawa lang ako sa tita ko kasi nung nasa nlex, makikita mo yung mt. arayat. Nung nasa La Union na kami, eto na daw 'yung nakikita naming bundok kanina. At take note, proud pa sya nung sinabi nya yun. Pinigil ko na lang sarili kong barahin sya kasi nga nakakatanda. Pero tawa talaga ako ng tawa sa isip ko. Buti na lang may nag-iba ng topic na alam din yatang hindi yun ang bundok na yun. Isa syang bayani.

At sa wakas, nakarating na din kami. Hanggang ngayon pinapatulog pa din ako. Halos kalahating oras na nila sinasabi sakin yun. Pero natapos ko pa din 'tong post na 'to.

'Til tomorrow :]