Unang araw ng katamaran
Maulan. Madilim pa kahit 7am na. May pasok dapat agad ako ng 7am pero hindi ako pumasok. Ang lakas lakas ng ulan tapos papasok pa ako sa p.e. namin na swimming? Kalokohan. May konting katamaran akong nararamdaman. Pero sige na, may katamaran talaga akong nararamdaman noon na hindi konti. Wala akong kakilala ko na magiging classmate ko. Lahat sila hindi ko kilala. Hindi din nila ako kilala. Kaya kwits lang.
Maaga ako umalis ng bahay kahit hindi ko naman talaga ginagawa sa normal na klase. Bagong professor. Bagong classmate. Bagong taon. Bagong buhay. Tsaka matumal kasi ang byahe lalo alanganin ang pasok ko na 10am. Hindi ko pa napanood yung NBA. Ayos lang panalo naman OKC noon.
Wala akong clue kung sino mga classmate ko nung pag akyat ko sa 4th floor. Malayo ako sa room namin para hindi nila malaman kung classmate nga nila ako. Nagabang lang ako na pumasok yung prof namin para diretso na ako pagpasok. Wala ng interview pa na mangyari sa labas ng room. Marami akong nakikitang mga babae na gusto ko maging classmate. Syempre piling pili ko yun. Sa 24 na babae na nakita kong gusto kong maging classmate, swerte pa ako at may 3 akong nahulaan. Hindi katulad dati na wala man lang.
Pagpasok sa room, naninibago ako kasi tahimik ako. Hindi ako sanay ng ganun pag nakaupo na sa room. Madalas nagsisisigaw na ako sa loob. Kung ano ano na sinasabi ko. Pero ngayon hindi. Parang hindi ako yung pogi na yun. Hindi ako nagsalita simula nung pagalis ko sa amin hanggang makauwi ako. Pero sa isip ko kung ano ano na sinasabi ko.
Dapat may pasok pa kami ng 3pm nun. Pero 12pm pa lang pinalabas na kami. 3 hours vacant. Umuulan kaya nakakatamad. Pero nakakatamad naman talaga kahit hindi umuulan. Tinamaan na ako ng antok kakahintay. Naisip ko agad na umuwi na. Hindi ko na inisip na maghintay pa ng matagal lalo ako lang magisa. Kaya umuwi na ako.
Hindi ko na itutuloy kwento ng unang araw ko sa 3rd year. Nakakatamad na e'.
0 Response to Unang araw ng katamaran
Post a Comment