Heater. Heater. Bestfriend HEATER!
Ang isa sa mga pinakamahirap gawin sa Baguio bukod sa tawad ay ang pag ligo.
Pag gising ko kanina, wala pang nakakaligo kahit ako na ang huling nagising. Lagot na kako. Baka walang heater. Kanya kanyang init na naman ng tubig. At para sa mga mayayabang, rekta ligo na kahit malamig. Alam kong tinitiis lang nila yung lamig na yun. Mas malamig pa nga yung tubig sa gripo kesa sa tubig sa ref.
Hindi pa ako nakakapag-toothbrush, pagligo ko na agad ang nasa isip ko. Kahit minsan hindi ako naliligo, pero syempre iba pa din yung may lakad kayo. Pinapaligo na ako ng ermat ko, hindi ko pinansin. Naglibot-libot muna akong magisa sa labas ng tinutuluyan namin. Kahit nagtatago lang naman talaga ako sa sasakyan makatakas lang sa ligo.
Nung nakita kong nakaligo na utol ko, pumasok na din ako at nagayos na. Hindi nga nakakaligo yun kahit hindi malamig e' yun pa kayang malamig. Baka kako nagpainit ng tubig to. May tira sana ako.
Nung umihi ako sa cr, May nakita ako na kung anong nakakabit sa shower. Malamang heater na nga 'yun. Pinagexperimetuhan ko. Pinihit ko ng pinihit yun nakasabit na yun. Pero walang nangyayari. Baka nasira ko na. Walang lumalabas na tubig o kahit anong reaksyon ang ginagawa nya. Nung lumabas ako, bakit kako may nakagamit pa. Tangna tanga ko talaga. Yun lang pala yung nagtitimpla kung gaano kainit yung tubig. May pihitan pa pala na seperate yung sa shower.
Pagkaligo ko, hindi ko na pinatay yung shower at baka kung ano pa magawa ko sa kanya.
0 Response to Heater. Heater. Bestfriend HEATER!
Post a Comment