Baguio Trip (Day 1)

Unang araw. Tangna hirap magtype pag inaantok na.

Kahapon pa lang hindi na sila mapakali sa mga dadalin nila. Pass 10pm na nga hindi pa din ako nakakapagimpake e'. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagiging excited sa mga gantong bagay. Kahit anong outing parang wala akong pakiramdam. Ngayon nga nandito na ko sa Baguio parang mas gusto ko pa din samin. Kung hindi lang talaga 'to last outing na kasama mga relatives ko sa motherside, hindi talaga ako sasama.

Nagising lang ako kaninang umaga sa mga kaingayan nila. Wala pa talaga akong balak bumangon lalo't masarap pa matulog. Bigla na lang may nagsabi na kakain na. Hindi na ako nagdalawang isip. Toothbrush. Hilamos. KAIN NA!

Habang nasa byahe, magdamagan akong kumakanta ng kahit anong tugtog sa radyo o sa phone ng utol ko. At iyon na. Umulan na ng malakas. Yun talaga ang balak ko para hindi matuloy 'tong lakad na 'to. Bait ko diba. Pero tuloy pa din. Palpak ang aking plano. Kaya nanahimik na lang ako.

Naiirita ako sa mga kasama ko sa sasakyan. Palibahasa halos puro bata. Ang iingay. Puro reklamo na antagal naman daw. Bakit daw hindi bilisan ng driver. Baka daw naliligaw na kami. Kaya pinilit kong matulog. Pero hindi pa din ako nakatulog kasi naaalog ako ng sasakyan.

5hours din ang byahe namin. Simula nung lumiko-liko na daan, eto na. Malapit na kami. Natataranta na mga kasama ko kasi daw malipat na nga. Mga gago! malayo pa din yan. Nahihilo lang kayo kaya akala nyo malapit na.

Natawa lang ako sa tita ko kasi nung nasa nlex, makikita mo yung mt. arayat. Nung nasa La Union na kami, eto na daw 'yung nakikita naming bundok kanina. At take note, proud pa sya nung sinabi nya yun. Pinigil ko na lang sarili kong barahin sya kasi nga nakakatanda. Pero tawa talaga ako ng tawa sa isip ko. Buti na lang may nag-iba ng topic na alam din yatang hindi yun ang bundok na yun. Isa syang bayani.

At sa wakas, nakarating na din kami. Hanggang ngayon pinapatulog pa din ako. Halos kalahating oras na nila sinasabi sakin yun. Pero natapos ko pa din 'tong post na 'to.

'Til tomorrow :]

0 Response to Baguio Trip (Day 1)

Post a Comment