Subtitles

Hindi ko na alam kung anong exact date nangyari 'to. Basta galing ako ng school papaluwas. Nakasakay na ako ng bus. Malakas ang sounds ko kaya hindi ko nadidinig yung mga sinasabi dun sa movie na pinapalabas sa bus. Buti na lang may subtitle. Nagtataka lang ako kung bakit parang hindi related yung nakalagay dun sa subtitle dun sa nangyayari sa mga scenes. Tinanggal ko muna earphone ko para malaman kung tama ba naiisip ko.

Sa una, tama naman. Pero yung mga scenes na medyo puro usapan na lang, nalabuan na ako. Hindi ko alam kung mahina tenga ko o malabo mata ko na mali lang talaga nababasa ko. Pero hindi ko pa ba mababasa yun ng malinaw e' nandun lang ako sa likod ng driver nakaupo. Malayong malayo yung sinabi ng bida dun sa nakalagay sa subtitle. Syempre, pirated yun. Pero sa totoo lang, malinaw yung kuha. Hindi ko na maalala kung anu anong mali yung mga nakita ko. Eto na lang naalala ko.

What the character is saying.
Subtitle.

Are you thinking what I'm thinking? - Hold your ticket and my ticket.
You're going to show her to me freak. - You're going to shower for a week.

Next time, sa mga gagawa ng pirated movies na may subtitle, sana ipagawa nyo sa malinaw ang tenga. Pero mas maganda siguro kung wag na lang gumawa ng pirated. Pero syempre hindi mangyayari yun. Kung yun ngang may kapangyarihan, hindi kayo mapatigil e', ako pa kaya.

TURNOFF 101

MGA TAONG MAHAHABA ANG KUKO

-Hindi ko pa din magets hanggang ngayon kung bakit may ganung mga tao. May nail cutter naman siguro sila sa bahay. Kung wala man, sa kapitbahay siguro meron. Ako ang nahihirapan sa kanila pag ganun. Hirap kumain ng nakakamay. Hirap magtype sa keyboard. At ang kadiring part, madumi. Pag mangungulangot ka, masakit sa ilong, kadiri. Pag galing sa c.r., alam nyo na yun.
Wala akong makitang advantage pag mahaba ang kuko. Pampaganda? Pampapogi? Ah alam ko na. Gusto nyo lang talaga siguro maturn off sa inyo yung mga tao.

Goodluck kung may magkagusto sayo!

Ambet Adventures (Last post)

Paalam! Salamat! Huling post lang para dito sa Ambet Adventures. Tapos na ang lahat. Wala na nangyayari sa kanya kaya wala na maipabasa.

To cut a long story short

Crush ako ng crush ko. Nagcrushan kaming dalawa.

Para sa masa

Ito ay para sa mga masa,

Sa lahat ng mga kasabay ko sa jeep
- Iabot nyo naman yung bayad ko. Bayad ko naman yun hindi naman sa inyo. Papansin din kayo e'.

Sa lahat ng mga sisingit sa jeep
- Maluwag pa ho dun sa may loob. Bakit kelangan sumiksik pa sa masikip. Para kang ano. Kung saan masikip, dun sisiksik.

Sa lahat ng guard sa mga malls
- Bubuksan namin bag namin para tusok tusukin nyo lang? Hassle magbukas ng bag brad.

Sa lahat ng lalaking nakatayo sa bus
- Wag nyo naman sana ikiskis sa balikat ko yan. Meron din ako nyan. Wag ka manginggit.

Sa lahat ng taong nagchichismisan habang naglalakad
- Pakibilisan lang ng konti lakad nyo. May nagmamadali sa likod nyo na hindi makaovertake.

Sa lahat ng barbero/ parlorista
- Wag nyo na itanong kung nagustuhan namin ang gupit. May magagawa pa ba kayo kung sabihin naming pangit?

Sa lahat ng nagpapalike/ nagpapashare ng picture para may maitulong DAW
- Kung totoo yan, ade sana ganyan na lang din ginawa ko para may makain ako.

Sa lahat ng slooooooooooow
- Itanong nyo ng maayos ang hindi nyo naintindihan. Hindi yung kayo pa magagalit pag magtatanong kayo. Kasalanan ko bang slow ka?

Sa lahat ng next na kakain sa lamesang gamit namin sa karinderya
- Distansya amigo! Baka hindi kita matancha masiko kita. Parang nababastusan lang ako. Yun lang.

Sa lahat ng may-ari ng karinderya
- Pakibilisan naman po sana yung pagseserve. Nagugutom kami. Sige ka magtatampo ako sa inyo nyan.

Sa lahat ng basahero na umabot dito
- Salamat. May nauuto pa pala ako.

Lasinggero. Tanggero.

Tanggero - Brad sabi nila bobo ka daw sa math hahaha!

Lasinggero - Ako bobo sa math? Gago ka ba? Kahit ano pa itanong mo, masasagot ko yan.

Tanggero - Hindi na kelangan bobo ka naman daw talaga e’. Yung sukli ko nga na pinangbili ng iniinom natin kulang e’.

Lasinggero - Hindi kulang yan. Ganyan talaga yan kasi sabi ko keep konti the change. Sige itest mo ko sa math para mapatunayan kong gago ang nagsabi sayong bobo ako sa math.

Tanggero - Okay sige. Madali lang para hindi ka mahirapan. Kawawa naman kasi utak mo baka sumabog pag nabigla.

Lasinggero - Magtanong ka na lang wag ka na madaming satsat pa.

Tanggero - Oo gago eto na. 10, 20, 30, 40, 50, 60, 70, 80, 90. Ano sunod sa 90?

Lasinggero - Ade 100 tanga. Akala mo hindi ko alam yung pattern na yan ah. Oh sino ngayon ang tanga sa math?

Tanggero - Tanga sa math? Ade ikaw hahaha! Sunod sa 90, ade 91 unggoy. Pano yun 90, 100, 91, 92, 93 tanga!

Lasinggero - Ah t*ngna tama na yang tanungan na yan. Itagay mo na para matapos na!

Relax lang!

Sabado. Walang pasok. Walang magawa. Dati madalas pag gantong araw, puro text lang ako. Puro computer lang. Pero ngayon, walang makatext, walang internet. Kami lang ng utol ko ang nasa bahay kaya ayos lang. Pero boring talaga. As in BORING!

Hindi ko matitiis yung paganto ganto lang. Tapos mainit pa panahon. Sabado ay araw ng pagrerelax. Pero lalo akong naistress pag gantong walang magawa. Buti na lang nagtext pinsan ko.

“Brad nasa caloocan ka ba? Punta daw tayo anonas.”

Kahit wala ako sa caloocan susunod ako sa inyo. Kahit wala akong pera, kelangan gumawa ng paraan. Ginamit ko muna yun pambayad ko ng libro. Hindi na ako nagdalawang isip na sumunod kaya naligo agad ako.Ngayon lang ulit kami magkikita kita. Pano nung nakaraan, nasa malayong lugar ako kaya napagiwanan na ako.

Natapos ko na ang mga kanta sa playlist ko ng makarating ako sa anonas. Nagpasundo na lang ako sa pinsan ko para makapunta kung saan yung bahay. Alam mo kung ano unang tinanong sa akin?

“Napano yang tenga mo?”

Tama naaaaa! Ayoko naaaaa! Sawa na akoooo! Okay let’s move on. Hindi ko na kelangan ikwento kung ano nangyari sa tenga ko. Kung nakita nyo, yun na yun.

As usual ng magkita kita kami, nagsimula na ang inuman. Inihaw na beef tsaka inihaw na lagas na isda ang pulutan. Dahil lagas nga ang isda, walang pumansin dito. Isang litro lang ang ininom namin sa BAHAY. Nagbabalak pa kasi uminom sa labas.

Akala ko naman sa kilala kong bar kami pupunta. Gaya ng Sazi’s, 70’s bistro tska kung ano ano pang bar na pinagpeperforman ng mga sikat na opm bands. Pero sa MERCI kami nagpunta. Bago sa pandinig. Bago sa tingin. Bago sa pakiramdam.

“Engineer, ano ba inorder mo? Tagal mo namili sa menu e’.”

“French fries”

Yan ang pulutan! Para ka lang kakain sa fastfood chains o kaya manonood ng pelikula. Pero syempre nakiinom na nga kami, puro kagaguhan na ang nangyayari. Kahit naman hindi kami uminom ganun na ang madalas na ginagawa namin. Mga stolen pictures. Mga bulong bulungan para macurious ang katabi. Mga pang-asar na titigan. Mga tawanan kahit walang dahilan. Minsan nakikitawa na lang sa kabilang table. Mga panahong kami lang ang pumapalakpak. Halos 3:00am na kami nakauwi nun dahil nagenjoy nga. At malamang mga wala na silang pera.
Lahat kami galing sa eskwela. Kundi naman, galing sa trabaho. Lahat kami may ginagawa sa pangaraw araw. Ito lang ang araw na nakakapag relax kami. Pagbigyan nyo naaaaaaaa!

College Days (7hours vacant)

Nagpaulan na ako wag lang ma-late. Parang na akong bagong ligo nung pagakyat ko ng rooftop pero badnews agad ang nadinig ko.

“Uy wala daw tayo pasok sa visual basic.”

Ha? Math pa lang naman subject namin nun pero next subject na agad pinaguusapan. Hayaan nyo muna ako magpasa ng classcard ko para magkagrade ako. Pero late ko na narealize na 7hours pala magiging vacant namin pag wala ngang pasok sa next subject.

Naisip ko na magandang pagkakataon ‘to para makauwi at matulog na lang. Pero hindi pwedeng umabsent sa last subject kasi absent na ako nung last meeting dun. Patay na. Kung sa 3hours lang na vacant nauulol na ako, pano pa kaya sa 7hours. Kelangan maghanap ng paglilibangan.
Hindi pwede magpunta sa computer shop kasi sayang ang pera. Hindi pwede umuwi kasi hindi pwede umabsent. Hindi pwede mangchix kasi wala naman talaga. Ano na gagawin ko?

Buti na lang naisip nila na magapunta na lang sa bahay ng isa naming classmate. Sa una hindi malaman kung saan. Sa dami ba naman ng sasama kahit ako hindi ako magvovolunteer na sa amin magpunta. Tsaka kahit magvolunteer ako, mamumulubi sila. Sa layo ba naman ng bahay namin e’.

“Dun na lang tayo kala Beth. Sa Calumpit lang yun.”

13 lang pamasahe. 20 bigayan. Bale 46 lahat lahat kasama pamasahe balikan tsaka pagkain. Kumpara sa pagkain lang na 40 dalawang ulam tsaka unli rice dun sa KFC (Kapitolyo Food Court). More or less 30 kami lahat na kasama dun. Kasama din namin yung mga kaklase namin sa minor subjects kaya madami kami.

Hindi ko na isasama yung nanood kami ng Seed of Chucky kasi hindi ko naman talaga napanood ng maayos dahil sa nakaharang na bintana.

Okay kainan na! May lechon manok, adobong sitaw at ang matinding panghimagas, big juicy bananas! Sa halagang bente solve ka na. May merienda pa pagdating ng bandang 3pm kasi 5pm pa naman klase namin nun.

Hindi ko na pahahabain pa kwento ko kasi alam kong bored na bored ka na. Parang ako na gutom na gutom habang ginagawa ang post na ito.

College Days (Bayad ho. Labintatlong estudyante)

Tanghaling tapat. Maniit. Nakakagutom. Medyo matagal tagal na vacant ‘to kaya naisipang mag house hopping. Bakit house hopping? Parang bar hopping lang din kaso ito sa mga bahay kaya house. Tanga ka na lang kung hindi mo pa nagets. Pero syempre joke lang yun.
Tabang, Plaridel ang destinasyon. Okay malapit lang. Pasok sa budget.
Wala namang masyadong importante sa pagpunta namin dun maliban lang sa pagaaway sa paghuhugas ng pinggan.

3pm ang klase. Umalis kami dun ng 2:30pm. Kung madalas kang dumadaan sa ruta na yun alam mong late ka na. At ang malas pa dito, may tatanga tangang truck na nalubog sa pagmamaniobra. Kung naglalaro ng snake yung driver nun, malamang high score na sya dahil sa haba ng traffic jam na nagawa nya. Yung 30mins nga na byahe kulang na kulang na tapos may traffic jam pa. Lasma!

Strict pa man din yung professor namin sa next subject. Ang sabi nya sa rules nya sa pagpasok, “If you come early, you’re wasting your time. If you come late, you’re wasting others time.”
At sa inaasahang pagkakataon, late kami. Actually absent na. Kasi hindi na kami nakapasok. Nagabang ng 2hours kung may mapapala pa kami.

Natapos ko na ang isang album ng Mayday Parade wala pa din nangyayari. Nang biglang bumukas ang pinto. Akala ko papapasukin na kami kasi naawa na sa amin. Yun pala magsusukat lang kami ng org shirt namin. Pero ayos na yun kasi hindi kung umuwi agad ako, wala na akong sukat sa org shirt.

Quote of the day: Wag magmaniobra sa putik, kasi may malelate sa professor na strict.

College Days (Ate survey lang po)

Ilang araw na din ang nakaraan simula nung unang araw ng pasukan kaya mga ka-close ko na din mga classmate ko. Marami na din kaming katarantaduhan na nagawa tulad na lang ng pagkuha ng number na mga babae.

Malakas ang hangin. Kakatapos lang kumain. May vacant pa ng 3 hours kaya tambay muna kasama ang buong section namin. Nakita namin ang kaklase namin na may pinapafill-upan na form. Yung survey nga pala sa science hindi pa namin nagagawa. As usual tinatamad ako pero may naisip kami na bright idea para matapos ang survey PLUS may chix pa. TING!

“Brad kuha tayo ng form kay Barney tapos pasagutan natin sa mga babae tapos lagyan natin ng number dun sa tanong.”

Isang napakagandang idea. So yun nga, kumuha na kami. Nakalagay lang dun sa form, name, profession, tsaka date. Kami na lang naglagay ng cellphone number. At naghanap na kami ng biktima. Este mga sasagot pala sa survey. Kelangan piling pili yung pagbibigyan namin kasi apat na papel na lang yun. At dahil mainit ang mata namin sa mga ganun, nakakita agad kami.

First year tourism pala yun. Maganda. Maputi. Makinis. Sakto lang. Success! Wala na silang palag kasi mga first year palang. Hindi pa nila alam ang mga ganung diskarte. At nagdiwang na ang lahat! Pwera ako.

Wala na akong pakielam sa mga number number na ganun. Alam ko na number ng gusto kong itext. Alam na din nya number ko. Kaya ayos na yun. Abang abang na lang.

P.S.
Wala pa akong balita kung nagreply na sa kanila yung number na yun.

Nice to be back

Sa wakas! Nakapag ayos din ng blog. Actually hindi naman pagaayos tawag dito kundi dalaw. Hindi ko alam kung bakit nasabi kong pagaayos yun.

ANYWAY!

Long time no post. Pano walang net sa bahay. Kaya nakigamit lang ako ng laptop ng iba para makapagpost lang. Baka malusaw na naman blog ko sayang naman.

May mga pending posts ako kaso nandun sa isang laptop ko. Hindi ko nakuha para maipost na. Wag kayo magalala madami dami yun. Parang yung MgaEpal, matagal silang nawala pero pagbalik nila, madami na din silang mga bagong posts.

Ganun ang balak kong gawin. Pero walang naman akong basahero dito bakit gagawin ko pa yun. Next time na lang ulit mga kids!

PAALAM!