Kronikels Op Tanya (Birthday)

Sobrang busy talaga sa school. Lalo na kung kelangan mo talaga mapanatili yung grades mo kasi scholar ka. Buti na lang hindi ako scholar kaya okay lang kahit mababa grades ko. Hindi naman tinitignan ng mga parents ko mga grade ko e'.

Watda?! Malapit na nga pala debut ko. Ay este, malapit na pala birthday ko. 18 na ako 'teh. Sa kasamaang palad, November 1 birthday ko. Hindi naman sa sinasabi kong masama kasi natapat sa araw ng mga patay. Pero pwede na din. Naasar lang naman ako kasi hindi nila maaalala na birthday ko. Maaalala nila, yun na nga. Araw ng mga patay. Kung maalala man nila na birthday ko, wala silang pakiealam kasi dadalaw sila sa sementeryo. At pati ako.

Taon taon na lang ako nagse-celebrate ng birthday ko sa sementeryo. Pero okay lang kasi madaming mga boooooys! Ay kaloka. Eto na naman ako. Kinikilig na naman ako pag boys na usapan. Pero syempre hindi ko pagpapalit si papa Junjun ko.

"Pare! Wala ka ba pupuntahan ngayon? Samahan mo naman ako sa puntod ng lolo ko."

Nagtext si Junjun. AAAAYYY! Kagulat ka papa. Hindi ko alam gagawin ko. Pero syempre pumayag ako. Ang problema naman ngayon, hindi ko alam isusuot ko. Dress? Spaghetti? Short shorts? Natataranta na ako 'teh. Naalala ko na lang bigla na hindi pa nga pala nya alam na bading ako. Kelangan ko magpakalalaki kahit hirap na hirap na ako itago.

Bigla ko na lang naisip na aminin ko na kaya sa kanya? Ay wag. Sa sementeryo kami pupunta. Baka ibaon na lang nya ako bigla dun. Hindi magandang place yun para sa pag-amin. Tsaka na pag dalaga na talaga ako.

Class cards!

Tapos na ang first sem. As always, kuhanan na naman ng class cards. Alam nyo naman siguro kung ano yun. Para sa mga hindi nakakaalam, bahala na kayo. Basta magkukwento ako.

Taon taon na lang ganito. Para kaming nakikipaglaro sa mga prof namin. Hahanapin kung saan saan. Magsasabi sila ng oras at araw kung kelan namin pwedeng kunin yung grades namin sa kanila pero madalas wala on time talaga. Minsan nga late maaga pa sila e'.

Pahirap lang talaga ung mga subject na paimportante pa. Alam ko naman na pasado ako dun ayaw pa ibigay. Wala naman na din sila problema sa akin. Malamang ako may problema sa kanila. Pero kahit na.

Makukuha ko din lahat ng class cards ko na walang bagsak at walang incomplete. Kahit 3.0 pwede na wag lang 5.0. Ayun! Sa kabutihang palad, wala pa naman nakukuhang 5.0 o 3.0. Pero meron nang 2.75. Muntik na! Pero okay na yun. Wala naman na ako magagawa kahit ipaglaban ko yun. Alam ko naman kahinaan ko.

Buti na lang wala na math hanggang makagraduate haha!

Bored lang talaga tae. Sembreak -___-"

Sembreak!

Madami may gusto ng sembreak. Pero ako, ayoko talaga. Kahit kelan. Hindi naman sa sinasabi kong gusto laging pumasok. Pero ayoko lang talaga ng sembreak. Himay himayin natin kung bakit.

Una, walang pera. Walang pasok, syempre walang baon. Pag wala ka naipon galing sa mga baon nung may pasok pa, patay kang bata ka. Pulubi ka sa buong bakasyon. Mamalimos ka na lang sa sementeryo sa undas. Ipunin mo mga luha ng kandila tapos tsaka mo ipakilo. Limang piso isang kilo nun. Sayang din yun.

Pangalawa, boring. Walang mapaglibangan. Lalo kung walang net. Sa eskwelahan, may makakakwentuhan ka pa. Pero pag walang pasok, madalang lang ang makakausap. Depende din kung forever alone ka talaga.

Pangatlo, lagi kang mauutusan. Hindi ako tamad. Pero.... Oo na sige na tamad na ako. Tama na 'tong katamaran. Baka mahalata pa lalo.

Yan na. Wala na ako maisip na dahilan kung bakit ayaw ko ng sembreak. Pero matitinding dahilan na yan para ayawan ang sembreak. Kung kelan ayoko ng sembreak tsaka sya humahaba. Nung highschool inip na inip ako sa sembreak pero isang linggo lang naman. Ngayong college, tatlong linggo halos. Pero ayoko na.

Isa lang gusto ko sa sembreak. REUNION! Uuwi na naman mga panget kong pinsan galing sa kung saan mang bundok o kweba sila nanggaling. Syempre, mahaba habang kwentuhan na naman mangyayari nun. Hindi din pwedeng kwento lang. Nakakuhaw kaya magkwento. Kanya kanyang labasan na naman ng mga bagong brand ng alak ang mangyayari.

UWI NA MGA BRAD!

Fieldtrip

700php. Sulit? Hindi sulit?  Hindi ko masasabi agad. Kasi may mga oras na iniisip kong hindi. Tapos may oras din na iniisip kong sulit.

First destination, AMA Computer College. Wala ako masabi. Basta nakakita kami ng mga robot, isang room na puro Mac PC's, tsaka walong estudyante nila. Wala gaanong estudyante. Ewan ko kung bakit. Tsaka wala na ako balak alamin pa. In short, boring. No offense sa mga estudyante ng AMA. Bored lang talaga ako pag mga exhibits ang pinupuntahan.

Second destination, Enchanted Kingdom. Again. Kahit madaming beses na ako napunta dun, hindi pa din ako nagsasawa. Kasi iba't ibang tao naman kasama ko pag napupunta ako dun. Ibang experience ang nabibigay nila.

Unang sinakyan namin, Flying Fiesta. Hindi masyadong boring, hindi din masyadong exciting. Pero yung kaklase ko na itago na lang natin sa pangalang MARC JOSEPH SORIANO (hindi ko na itatag ang FACEBOOK nya para hindi makilala), hindi namin makausap pagkatapos. Hindi ko lang alam kung bakit. Kahit nung nasa taas kami, seryoso sya. Parang nagpipigil ng tae na hindi mo malaman. Next, Rialto. Katulad ni Mr. Bean, hindi ko din masyadong ramdam pag ganun lang kabagal. Pero okay na din. Kawawa naman si Ka Marc Joseph Soriano. Baka magsuka bigla kahit ganun lang.

MARC JOSEPH SORIANO! IKAW ANG BIDA NGAYON!

Next, Anchor's Away. Eto na may excitement na. Mga kasama ko mga takot na takot. Pero nawala na yun nung may chx kaming kasabay. Syempre, kunwari matapang talaga sila.

Hindi na sya sumakay sa Space Shuttle tsaka sa EK Ekstreme si MARC JOSEPH SORIANO. Nahatak ng kuya nya na hindi ko na papangalanan na NESTHY "ESTONG" ESPIRITU. Ewan ko ba kung bakit ayaw. Hind yata nakapagbaon ng balls. Pero sabi nya, nakasakay na daw sya dun nung kabataan nya. Ewan ko lang kung bakit ayaw umulit.

At ang kamalas malasang birthday boy na si JERWIN PAOLO "EWONG" BAUTISTA. Papasakay kami ng Roller Skater, wala pala sya partner. 9 lang kami. Bakit ba hindi agad naisip na kumuha agad ng partner sa pila pa lang. Ayun. Nag-abang sa exit. Birthday mo naman e'.

Pero mas masaya talaga kung kasama sya.

Hindi ko na iisaisahin mga nasakyan namin. Pero pinagusto ko, yung sa Space Shuttle tsaka sa EK Ekstreme. Dahil nga hindi ko nga nagawang maging isang astronaut, naramdaman ko dun ang excitement na para akong lumilipad. Sa EK Ekstreme, gravity na lang talaga ang humihila sayo pababa kasi hindi ka na halos nakaupo sa upuan mo. Sa Space Shuttle naman, yung acceleration and speed ng isang spaceship ang pakiramdam. Ewan ko kung ganun nga talaga pakiramdam ng natake-off na spaceship. Pero gusto ko talaga maramdaman yung ganun.

Lahat ng extreme activities gusto ko maexperience. As in LAHAT!

Is that RIGHT?


It’s hard to talk to a girl that is VERY friendly. A girl that is known by all of the students in your college. She will never be alone because of her friends. But sometimes, she chooses to be one. I’ve tried so many ways to speak with her, just the two of us, but most of the times, I failed. Why? Simply because of her friends. I’m not saying it’s wrong to have so many friends. I’m just saying that it’s hard to talk to her.

One time, I ask her to go to school early so that we TWO can talk. But, something is wrong. She is with her friend. They are laughing but I don’t know why. They are gossiping but I don’t know who that person is. I’m completely out of place. Sometimes, she speaks to me. But it is just SOMETIMES. I want her whole time to speak to me because I am the one who ask her to come early to school so WE can talk.

She is a very good example of a TRUE FRIEND. She will never leave her friend just because the other one is courting her. She will do what she think is right. Sometimes, even if it is wrong, she will do everything for someone who thinks that it is right.

Obsession? Yes obsession. I think I’m obsessed. But what’s wrong with that? I’m courting her. Therefore, I should be obsessed. No one is penalized by being obsessed with someone. I think I’m not harassing her emotionally. So there’s no reason to stop what I am doing. She usually accepts my proposals to go where I want. But I will not bring her to the place where she doesn't want to go. I will not bring her to any harmful traipse.

Enough. I’m just a teenager who is inlove. Inlove? Yes. Absolutely inlove.

Signayan!


Ano balita? Tagal ko nawala no. May nakamiss ba? Syempre wala. Ako lang naman basahero dito. Kung hindi ko pa ipost sa facebook ko yung link ng blog ko na ‘to, wala pa makakaalam. Wala talaga akong masugid na taga-basa. Dati meron. YATA! Ngayon wala na. YATA! Medyo busy din kasi sa lovelife studies. 3rd year pa lang ako pero may thesis na. Tapos sa minor subject pa. Hindi ko alam kung para saan yun. Wala naman silbi. Pero ayos na din yun. Warm-up para sa thesis next year.
ANYWAYS!
Hindi tungkol dun ang kwento ko ngayon. Ito ay tungkol sa math teacher namin. Matumal lang pumasok. Nagpapamiss yata. Asa naman na mamiss namin sya. Mga classmates ko, oo. Ako hindi. JOKE! Pero hindi talaga. Babae siya. Hindi sya katulad nung ibang prof namin na nagpapanggap lang. Hindi nagpapanggap sa ugali nya. Nagpapanggap bilang babae. Totoong babae sya. Pero wala akong sinasabing may prof kaming bading ah. Baka sabihin nyo ako na naman may kasalanan.
First impression ko sa kanya, wala. Absent ako nung first day e’. Pero sa mga kwento nila, maganda daw. Mabait, maputi, at lahat daw ng hinahanap mo sa babae nasa kanya na. Pero hindi ko sa kanya nakita yun. Nakita ko yun sa kaklase ko. SEGWAY! Oo nga maganda si ma’am. Pero hindi ka makakapasa kung maganda sya. Kelangan mo talaga mag-aral para makapasa. 50% lang kelangan na grade mo, 3.0 ka na. Sigurado, pasado na ako dito. Pasado nga, wala naman natutunan. Sayang tuition.
Nung unang mga weeks, wala naman sya absent. Pero nung kalaunan, wala na. Nawawala na sya. Hindi nagtetext kung walang pasok. Basta hindi na lang papasok. May time pa nga na pinapasok kami kasi daw may announcement sya. Iaannounce lang pala nya na wala kaming pasok nung araw na yun. Galing diba? San ka makakakita ng prof ganun? Wala. Dito lang.
Isang araw, nagkasundo kami ng mga classmates kong pogi. JOKE LANG! Nagkasundo kaming wag na pumasok. Kasi hindi naman papasok si ma’am. Pero nung araw pala na yun, bigla syang pumasok. ANAK NG TIMING NAMAN! Bakit noon pa sya pumasok kung kelan absent kami. Tapos neto lang last Friday. September 28. Absent daw kami ng absent kaya hindi namin alam yung tinuturo nya. WOW! Makapagsalita. Baka mahiya yung attendance ko sa attendance nya. Nun lang naman sya pumasok after 1month. Pero hindi talaga 1month. 3weeks siguro. Basta matagal na.
Bahala sya. Buti na lang maganda sya. Pero mas maganda nanay ko. JOOOOOOOKE!