Kronikels Op Tanya (Birthday)

Sobrang busy talaga sa school. Lalo na kung kelangan mo talaga mapanatili yung grades mo kasi scholar ka. Buti na lang hindi ako scholar kaya okay lang kahit mababa grades ko. Hindi naman tinitignan ng mga parents ko mga grade ko e'.

Watda?! Malapit na nga pala debut ko. Ay este, malapit na pala birthday ko. 18 na ako 'teh. Sa kasamaang palad, November 1 birthday ko. Hindi naman sa sinasabi kong masama kasi natapat sa araw ng mga patay. Pero pwede na din. Naasar lang naman ako kasi hindi nila maaalala na birthday ko. Maaalala nila, yun na nga. Araw ng mga patay. Kung maalala man nila na birthday ko, wala silang pakiealam kasi dadalaw sila sa sementeryo. At pati ako.

Taon taon na lang ako nagse-celebrate ng birthday ko sa sementeryo. Pero okay lang kasi madaming mga boooooys! Ay kaloka. Eto na naman ako. Kinikilig na naman ako pag boys na usapan. Pero syempre hindi ko pagpapalit si papa Junjun ko.

"Pare! Wala ka ba pupuntahan ngayon? Samahan mo naman ako sa puntod ng lolo ko."

Nagtext si Junjun. AAAAYYY! Kagulat ka papa. Hindi ko alam gagawin ko. Pero syempre pumayag ako. Ang problema naman ngayon, hindi ko alam isusuot ko. Dress? Spaghetti? Short shorts? Natataranta na ako 'teh. Naalala ko na lang bigla na hindi pa nga pala nya alam na bading ako. Kelangan ko magpakalalaki kahit hirap na hirap na ako itago.

Bigla ko na lang naisip na aminin ko na kaya sa kanya? Ay wag. Sa sementeryo kami pupunta. Baka ibaon na lang nya ako bigla dun. Hindi magandang place yun para sa pag-amin. Tsaka na pag dalaga na talaga ako.

0 Response to Kronikels Op Tanya (Birthday)

Post a Comment