Signayan!
Ano balita? Tagal ko nawala no. May nakamiss ba? Syempre
wala. Ako lang naman basahero dito. Kung hindi ko pa ipost sa facebook ko yung
link ng blog ko na ‘to, wala pa makakaalam. Wala talaga akong masugid na
taga-basa. Dati meron. YATA! Ngayon wala na. YATA! Medyo busy din kasi sa lovelife
studies. 3rd year pa lang ako pero may thesis na. Tapos sa minor
subject pa. Hindi ko alam kung para saan yun. Wala naman silbi. Pero ayos na
din yun. Warm-up para sa thesis next year.
ANYWAYS!
Hindi tungkol dun ang kwento ko ngayon. Ito ay tungkol sa
math teacher namin. Matumal lang pumasok. Nagpapamiss yata. Asa naman na mamiss
namin sya. Mga classmates ko, oo. Ako hindi. JOKE! Pero hindi talaga. Babae
siya. Hindi sya katulad nung ibang prof namin na nagpapanggap lang. Hindi
nagpapanggap sa ugali nya. Nagpapanggap bilang babae. Totoong babae sya. Pero
wala akong sinasabing may prof kaming bading ah. Baka sabihin nyo ako na naman
may kasalanan.
First impression ko sa kanya, wala. Absent ako nung first
day e’. Pero sa mga kwento nila, maganda daw. Mabait, maputi, at lahat daw ng
hinahanap mo sa babae nasa kanya na. Pero hindi ko sa kanya nakita yun. Nakita
ko yun sa kaklase ko. SEGWAY! Oo nga maganda si ma’am. Pero hindi ka makakapasa
kung maganda sya. Kelangan mo talaga mag-aral para makapasa. 50% lang kelangan
na grade mo, 3.0 ka na. Sigurado, pasado na ako dito. Pasado nga, wala naman
natutunan. Sayang tuition.
Nung unang mga weeks, wala naman sya absent. Pero nung
kalaunan, wala na. Nawawala na sya. Hindi nagtetext kung walang pasok. Basta
hindi na lang papasok. May time pa nga na pinapasok kami kasi daw may
announcement sya. Iaannounce lang pala nya na wala kaming pasok nung araw na
yun. Galing diba? San ka makakakita ng prof ganun? Wala. Dito lang.
Isang araw, nagkasundo kami ng mga classmates kong pogi.
JOKE LANG! Nagkasundo kaming wag na pumasok. Kasi hindi naman papasok si ma’am.
Pero nung araw pala na yun, bigla syang pumasok. ANAK NG TIMING NAMAN! Bakit
noon pa sya pumasok kung kelan absent kami. Tapos neto lang last Friday.
September 28. Absent daw kami ng absent kaya hindi namin alam yung tinuturo
nya. WOW! Makapagsalita. Baka mahiya yung attendance ko sa attendance nya. Nun
lang naman sya pumasok after 1month. Pero hindi talaga 1month. 3weeks siguro.
Basta matagal na.
Bahala sya. Buti na lang maganda sya. Pero mas maganda nanay
ko. JOOOOOOOKE!
0 Response to Signayan!
Post a Comment